^

PSN Showbiz

Akting ng maraming kongresista tinalbugan pa ang mga taga-showbiz; Maraming nanood ng hearing nakiiyak kay Espina

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon

Nakakaiyak naman ang mga sinabi ni PNP Chief General Leonardo Espina sa hearing kahapon sa House of Representatives.

Bato ang puso ng hindi naantig sa mahabang litanya ni Papa Leo na hindi ikinahiya ang pagluha para sa 44 SAF troopers na pinatay noong January 25 sa Mamasapano, Maguindanao.

Naalaala ko ang sinabi ni Pope Francis nang dumalaw ito sa Pilipinas.

Huwag matakot umiyak ang mensahe ng Santo Papa at kahapon, hindi natakot na lumuha si Papa Leo at si PNP SAF Director Getulio Napeñas dahil sa bayolenteng pagpatay sa mga pulis na nagpunta sa Maguindanao.

Kung nakakaiyak ang mga eksena nina Papa Leo at SAF Director Na­peñas, mas nakakaiyak ang magulong pagtatanong ng ilang mga kongresista na tinalbugan ang mga award-winning actor and actress.

May kongresista na hysterical sa pagtatanong with matching hampas ng kamay sa mesa, may kongresista na nakakawindang ang mali-maling English grammar kaya hindi maintindihan ang mga question nila.

Mga Pilipino tayo at hindi mortal sin ang magsalita sa wikang Tagalog para mas maintindihan ito ng masa na nakatanghod sa telebisyon at pinapanood ang imbestigasyon.

Sa totoo lang, naging katawa-tawa ang ilang mga kongresista na nakaw-eksena at  masyadong emosyonal.

Ibang-iba ang scenario sa senate inquiry na dignified ang mga senador na mahinahon sa pagsasalita at relevant ang mga tanong.

Ni minsan, never natin na nakita na nagtaas ng boses si Senator Grace Poe na malinaw ang pagsasalita at may direksyon ang mga tanong. Wish ko lang, tinularan siya ng mga kongresista.

Tungkol sa kapayapaan ang pinag-uusapan sa imbestigasyon sa kamara pero walang katahimikan sa maingay at hysterical na pagpapalitan ng opinyon ng mga kongresista. Tinalbugan pa nila ang mga taga-showbiz ‘ha?

Video sa actual na pagpatay sa SAF 44 ‘di na dapat ipalabas sa imbestigasyon

Hindi ako pabor sa suggestion na ipakita o panoorin sa House of Representatives ang video ng aktuwal na pagpatay sa SAF Fallen 44 na kumakalat sa social media.

Bayolente na nga ang pagpatay sa mga pulis, parang pinatay uli sila kapag ipinakita ang video ng brutal na pagpaslang sa kanila.

Bigyan  natin ng dignidad ang pagkamatay ng mga biktima. Igalang natin sila at ang kanilang mga naulila.

Masakit para sa naiwanang pamilya na makita na pinagpipistahan ng mga tao ang video ng pagpatay sa kanilang mga mahal sa buhay.

JaBea nangako ng tulong sa Liwanag…

Palabas na pala kahapon sa mga sinehan ang erotic movie na 50 Shades of Grey.

Ang Liwanag Sa Dilim lang naman ang kalaban sa takilya ng 50 Shades of Grey.

Confident ang JaBea fans na kayang-kayang tapatan ng pelikula ng kanilang mga idolo ang Hollywood movie na halaw sa isang best selling novel.

The who ang JaBea? JaBea ang tawag sa avid fans nina Jake Vargas at Bea Binene na nangako na susuportahan ang Liwanag Sa Dilim at hindi naniniwala na may problema sa love affair ng kanilang mga hinahangaan na artista.

Cesar hindi na kailangang magpaliwanag!

In fairness, marami ang naniniwala na walang katotohanan ang bagong paratang laban kay Cesar Montano.

Kahit hindi magpaliwanag o magsalita si Cesar, naiintindihan siya ng mga kumbinsido na inosente siya.

Kaisa sila sa mga nananalangin na malampasan ni Cesar ang pagsubok na pinagdaraanan niya.

ANG LIWANAG SA DILIM

BEA BINENE

CESAR MONTANO

CHIEF GENERAL LEONARDO ESPINA

HOUSE OF REPRESENTATIVES

PAPA LEO

SHADES OF GREY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with