FM radio dramang Dear MOR, mababasa na!
MANILA, Philippines - Swak sa Buwan ng Pag-ibig ang paglabas ng inaabangang book adaptation ng longest-running FM radio drama anthology sa bansa at number one program on FM radio na Dear MOR.
Sa ilalim ng panulat ni DJ Jasmin, ang librong Dear MOR: Mga Kuwento ng mga Adik sa Pag-ibig ay naglalaman ng limang love stories na ikakikilig at kapupulutan ng aral ng mga mambabasa--heartbroken man, in love, o sinumang naghahanap ng kahulugan ng true love.
Mababasa sa Dear MOR ang limang love stories kabilang ang Kung Ako Na Lang Sana, Paano Ba Ang Magmahal?, Puwede Bang Ako Na Lang Ulit?, Anon’ng Nangyari Sa ‘Ting Dalawa?, at Bakit Ba Minahal Kita?
Tampok din bilang co-writer ng libro si Melai Quilla.
Ang Dear MOR: Mga Kuwento ng mga Adik sa Pag-ibig ng MOR 101.9 For Life! at ABS-CBN Publishing Inc. ay mabibili na ngayon sa bookstores nationwide sa halagang P165 lamang.
Umeere araw-araw ang programa, mula alas-dose ng tanghali hanggang alas-dos ng hapon. Sina DJ Jasmin at DJ Popoy ang hosts nito mula Lunes hanggang Biyernes, samantalang si Ms. M at Daddy Alex naman tuwing Sabado at Linggo.
- Latest