Gary biglang hindi makapagsalita nang bumagsak ang blood sugar!
MANILA, Philippines - Bumagsak ang blood sugar kahapon ni Gary Valenciano sa presscon ng Ultimate Valentine concert.
Pagkatapos ng “question and answer” segment ng Ultimate presscon, sumama ang pakiramdam ni Gary, kaya nang iniinterbyu siya ng mga TV crew, alam niya kung ano ang gusto niyang isagot sa tanong sa kanya, pero hindi niya masabi ‘yon, mabuti na lang at sinalo siya ni Martin Nievera.
Bata pa, diabetic na si Gary, kaya madalas, kapag bumabagsak ang blood sugar niya, umiinom siya ng softdrink.
Kahapon, kinain na lang ni Gary ang chocolate ball na isinerve sa kanila sa presidential table para bumuti ang kanyang pakiramdam.
Nang makaalis na ang press, umorder na lang ng soup si Gary para makakain at bumuti ang kanyang pakiramdam.
“I feel good after eating. Kanina kasi, hindi ko masabi ‘yung gusto kong isagot kahit alam ko kung ano ‘yon, mabuti na lang nasa tabi ko si Martin kaya siya na lang ang sumagot sa tanong ng nag-iinterbyu,” kuwento ni Gary.
Nagpahinga lang sandali si Mr. Pure Energy at nang maka-recover na, diretso na siya sa rehearsal nila nina Martin, Regine Velasquez-Alcasid, at Lani Misalucha sa may 8th Note sa Panay Ave., Quezon City.
Anabelle sa South District naman ng Cebu balak kumandidato?!
Pagkatapos ideklara ni Annabelle Rama na hindi na siya kakandidato sa pagka-representative ng North District ng Cebu City ay balak naman niyang tumira sa kanilang lugar sa South District.
Nai-tweet na ni Ruffa Gutierrez ang tungkol sa balak ni Bisaya na magpatayo ng bahay sa Rama compound.
Sa Rama compound na located sa South District lumaki si Bisaya.
May plano kaya si Bisaya na sa South District naman kumandidato?
Kung saka-sakali, sa ano kayang posisyon?
Samantala, hindi pa naman ikinukuwento ni Bisaya sa kahit na sino kung ano ba talaga ang plano niya dahil nagluluksa pa rin siya sa pagkamatay ng kuya niyang si Barangay Captain George Rama.
Noong Sabado, umuwi uli ng Cebu City si Bisaya para dalawin ang puntod ng yumaong kapatid.
- Latest