^

PSN Showbiz

Regine walang ‘panahon’ kay Kris! Cesar idinemanda uli ni Sunshine!

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio - Pilipino Star Ngayon

PIK: Wala raw panahon si Regine Velasquez mag-Instagram dahil mas naka-focus daw siya ngayon sa pag-i-ensayo at paghahanda sa mga bagong pakulo nila sa nalalapit nilang Ultimate Concert sa February 13 at 14 na gaganapin sa SM MOA Arena.

Marami raw silang gagawing bago nina Martin Nievera, Lani Misalucha, at Gary Valenciano kaya rito ang focus niya sa ngayon. Wala rin daw siyang alam sa isyung pag-unfollow at pag-follow uli sa kanila ni Kris Aquino.

Tapos na rin naman daw iyon, kaya mabuting huwag na lang daw siyang magsalita.

Nagkausap na rin naman daw sina Kris at Ogie Alcasid, kaya hindi na raw siya kailangang magsalita pa.

PAK: Hindi natuloy ang pagkikita-kita nina Robin Padilla at ng dating asawang si Liezl Sicangco sa opening ng Chinese Painting exhibit  kung saan merong obrang naka-display si Kylie Padilla.           

Ginanap ang opening ng Chan Lim’s Painting exhibit sa SM Aura kamakalawa ng hapon, at dumating din doon si Liezl para suportahan si Kylie.

Pero hindi nagtagal si Liezl dahil kailangan na niyang tumakbo ng airport dahil iyon din pala ang schedule ng pagbalik niya ng Australia.

Kaya hindi na sila nagkita-kita nina Robin at Mariel na dumating din sa naturang event.

Sabi ni Kylie, okay naman daw kung magkita-kita sila dahil meron pa nga raw silang balak na mag-dinner silang lahat, pero hindi lang ito natuloy.

Doon na rin sinagot ni Kylie ang napabalitang nagkabalikan daw sila ni Aljur Abrenica.            

Sagot niya sa isyung ‘yan; “Hindi naman.

“Friends lang, ewan ko. Hindi ko alam kung ano ang tawag dun.”

Ang inamin lang niya ay nagkikita raw sila ni Aljur paminsan-minsan, pero walang balikang nangyari.

BOOM: Tumanggi si Sunshine Cruz na magsalita tungkol sa panibagong kasong isinampa niya laban kay Cesar Montano.

Ito ‘yung Rep. Act 9262 o Anti-Violence Against Women and Children na isinampa niya laban sa asawa dahil sa sumbong diumano ng tatlo niyang anak na nagpaparaos daw si Cesar sa harapan mismo ng tatlo niyang anak.

Isinulat daw iyun ng kanilang mga anak na nangyari raw iyun nung minsang natulog daw sila sa tahanan ng kanilang ama nung nakaraang taon.

Sabi ni Sunshine, maselan ang kasong isinampa at involved daw dito ang mga anak niya, kaya manahimik na lang daw muna siya bilang proteksyon sa mga bata.

As of presstime, wala pa ring sagot si Cesar kaugnay dito o ang manager niyang si Shirley Pizarro.           

Pero kinakausap ito ng ilang taong malapit sa kanya na magsalita na para maipagtanggol naman daw niya ang kanyang sarili.

ALJUR ABRENICA

ANTI-VIOLENCE AGAINST WOMEN AND CHILDREN

CESAR MONTANO

CHAN LIM

CHINESE PAINTING

DAW

GARY VALENCIANO

NIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with