^

PSN Showbiz

Atty. Topacio nagpaliwanag ‘Kami pa rin ni Claudine’

Jun Lalin - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Ang duda ng marami na nag-“alsa-balutan” na si Atty. Ferdinand Topacio bilang abogado ni Claudine Barretto sa mga legal case ng aktres laban sa estranged husband na si Raymart Santiago.

Aksidenteng nakatsikahan ko si Atty. Topacio at nilinaw niyang kliyente pa rin niya si Claudine.

“Kami pa rin ni Claudine. Linawin ko lang, ako pa rin ang legal counsel niya sa mga kaso nila ni Raymart. Hindi naman totoo ‘yung iniwan ko na si Claudine as client,” paglilinaw ng abogado.

Ang kaso raw ni Claudine sa mga katulong na nagdemanda sa aktres at idinemanda rin naman nito ang binitiwan na ni Atty. Topacio.

“Sa simula pa lang naman kasi, malinaw na kay Claudine ‘yon. Na pansamantala lang haha­wakan ng law firm ko ‘yung mga demandang ‘yon. May ibang legal counsel din kasi si Claudine sa mga kasong ‘yon before, nang magbitaw, pansamantalang hinawakan ng law firm ko, pero nag-usap naman kami ni Claudine at may ibang legal counsel na rin naman na kausap siya na hahawak ng mga kasong ‘yon,” paliwanag pa ni Atty. Topacio.

Sa ngayon, hindi man niya masyadong nakakasama si Claudine, hindi naman daw nanga­nga­hulugan na may prob­­le­ma silang dalawa.

“Si Claudine, hindi lang naman kasi siya client, kaibigan ko rin na­man ‘yan at wala kaming problema. Ang alam ko, busy rin siya ngayon sa paghahanda sa pelikulang pagsasa­mahan nila ni Juday (Judy Ann Santos) sa Star Cinema. May isa pa siyang indie movie na gagawin, kaya busy rin naman ‘yung tao. Ako rin naman, marami ring cases na inaasikaso sa ngayon.

“Mali lang talaga ‘yung akala ng iba na binitiwan ko na bilang client si Claudine. In fact, magkikita kaming dalawa sa February 14 dahil may hearing ‘yung case nila ni Raymart,” paliwanag pa ni Atty. Topacio.

Gary napaos sa bigay-todong performance sa pag-promote ng Valentine concert

Medyo paos si Gary Valenciano nang makasama ko siya noong Wednesday sa group interview para sa Ultimate two-night Valentine’s concert nila nina Martin Nievera, Regine Velasquez-Alcasid, at Lani Misalucha.

Medyo namaos si Gary dahil sa exercises na ginawa nila sa team building ng ASAP noong Martes.

Pero noong rehearsal naman nila nina Martin, Regine, at Lani sa 8 Note noong Sabado, okay na ang boses ni Gary.

Kahapon nga, mala-concert ang ginawa nila nina Martin at Lani sa ASAP para sa promo ng Ultimate.

May tingi-tinging tickets pa nga palang available para sa February 13 ng Ultimate, pero mahirap nang makakuha ng magkatabing tickets.

Ayon sa producers na sina Anna Puno at Cacai Velasquez, baka sa March 14 na ang repeat nila dahil ‘yon lang din ang availability ng MOA Arena at inaayos na lang ang availability ng apat na singers.

 

ANNA PUNO

CACAI VELASQUEZ

CLAUDINE

CLAUDINE BARRETTO

NAMAN

NILA

RIN

SHY

TOPACIO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with