^

PSN Showbiz

Albie hindi pa rin tanggap ang anak ni Andi

- Veronica R. Samio - Pilipino Star Ngayon

Sa tinagal-tagal ng panahon, ngayon lang umi­mik si Albie Casiño sa bintang na siya ang ama ng anak ni Andi Eigenmann. Kung bakit naman kasi hindi niya ipinagpilitang ipa-DNA ang sinasa­bing anak niya para lumabas na ang totoo. Kaysa naman wala siyang acknowledgement na anak nga niya ito.

“Sa simula pa lamang ay dalawa na kaming sangkot ni Jake Ejercito. Pala­ging kaming dalawa lamang kaya paano namang sa akin lamang natuon ang bintang? Wala naman silang maiturong konkretong ebidensya. Basta itinuro na lamang na ako nga ang ama. Wala ni DNA results. Hindi ko alam kung bakit agad-agad ay ako ang pinaniwalaang ama ng bata,” pagtatapat ng batang aktor na ngayon lamang nagpasyang magsalita tungkol sa isyu sa bata at sinabing ito na ang una at huling pagkakataon siyang magsasalita tungkol dito.

Walang panghihinayang si Albie na malaki ang naging epekto sa kanyang career. Dahil dito, naga­wa niyang balikan ang kanyang pag-aaral. At ngayon, binibigyan siya ng magagandang proyekto ng TV5. Wish niya na magtuluy-tuloy na ang kan­yang muling pagbabalik-showbiz.

Jake dapat nang pakawalan si Bea

Wala naman sigurong dapat ikabahala si Jake Var­gas sa pagkakasakit ni Kuya Germs na tuma­ta­yong manager nito. Mas concerned siya sa health nito at ipinagdarasal ang mabilis na pagga­ling ng manager. Batid niya ang pagka­giliw ni Kuya Germs sa trabaho nito at mabilis siyang gagaling dahil marami ang naghihintay sa kanyang pagbabalik.

‘Yung trabaho naman niya ay kaya niyang asikasuhing mag-isa. Kinokontak naman siya perso­nally ng mga gustong ku­muha ng kanyang serbisyo. At tumutulong din sa kanya ang GMA kung kinakailangan. May mga tumatakbo pa siyang programa sa network. Kapag natapos ang mga ito ay siguradong bibigyan pa siya ng iba pa dahil magaling naman siyang artista. Bukod pa sa magaling din itong kumanta at maggitara. Malaki na rin ang following niya at nakagawa na ng ilang indie films kung saan ay nagpamalas siya ng husay sa pag-arte.

As for their loveteam naman nila ni Bea Bine­ne, huwag na silang makipagkumpitensya pa ki­na Elmo Magalona at Janine Gutierrez at Miguel Tan­­­­felix at Bianca Umali dahil puwede naman silang mag­hi­walay at makipagtambal pa sa iba. Yes, hindi pa nila katapusan kapag nabuwag ang loveteam nila.

Baguhang si Shan Morales pinasisikat

May isang bago at batang singer ang nagtatangkang makilala sa larangan ng showbiz. Siya ang 16 na taong gulang na si Shan Morales. Graduating ito sa taong ito sa isang iskwelahan ng high school sa San Jose del Monte, Bulacan kung saan sila naninirahan. Kukuha siya ng kursong MassCom sa college para magamit at makatulong sa gagawin niyang pagpasok sa showbiz.

Limang taong gulang pa lamang ay kumakanta na ang magandang si Shan. Para sa isang baguhan, napakasuwerte niya na mabigyan ng pagkakataon ng RSR Music Recording na makagawa ng isang album na pinamagatang Wagas at Totoo. Ito rin ang titulo ng kanyang unang single na naririnig ngayon ng madalas sa radyo. Lahat ng kanta sa album niya ay gawa ni Ariel Batausa.

Naririnig din ang boses ni Shan bilang isa sa mga host ng programang Showbiz Sabado, 12 noon sa DZME 1530. Kasama niya sa programa sina Direk Elmer de Vera at Edzel Cadil na may live streaming sa www.rad­youno.com.ph.

 

ALBIE CASI

KUYA GERMS

NAMAN

NIYA

SHAN MORALES

SHY

SIYA

WALA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with