Show nina Robin pinagpupuyatan ng mga bata!
Napuyat sa panonood ng TV noong Sabado ng gabi si MJ, ang 4-year- old boy na anak ni Mel, ang aking trusted na kasama sa bahay.
Narinig ko na pinagagalitan ni Mel ang bagets dahil inatupag nito ang panonood ng TV. Hindi natulog si MJ hangga’t hindi natatapos ang kanyang pinapanood.
Nang tanungin ko si MJ sa TV show na pinag-aksyahan niya ng oras, sumagot siya ng “May bakla…may bakla…”
Hindi ko maintindihan ang sinasabi ng bagets kaya tinanong ko pa ang madir niya tungkol sa TV show na pinanood ni MJ. “2 1/2 Daddies” ang sey ni Mel. Ang 2 ½ Daddies ang sitcom sa TV5 ng Padilla siblings, sina Robin, Rommel, at BB Gandanghari.
Naging malinaw sa akin na si BB ang tinutukoy ni MJ na may bakla, may bakla at dahil bagets pa siya, hindi pa niya mauunawaan ang explanation ko na transgender woman at hindi bakla si BB ‘no!
Puwede nang sabihin ng Padilla siblings na hindi lang pangmatanda ang kanilang sitcom dahil pambata rin ito. Para magustuhan ni MJ na 4-years old lang ang 2 1/2 Daddies, nakakaaliw nga siguro ang show sa TV5 ng Padilla siblings na hindi ko pa napapanood dahil early to bed ang drama ko.
Dingdong at Marian pinairal ang pagiging generous
Hindi ako nagpunta sa wedding reception nina Marian Rivera at Dingdong Dantes sa Mall of Asia Arena noong December 30 kaya hindi ko nakuha ang mga give away nila para sa kanilang mga ninong at ninang.
May bulaklak na dumating sa bahay ko noong isang araw at galing ito mula sa bagong kasal.
Sa unang tingin pa lang, alam ko agad na mamahalin ang mga bulaklak na may kalakip na kuwintas. Sosyal ‘di ba?
Na-appreciate ko ang ipinadala nina Marian at Dingdong pero ako ang nanghihinayang sa kanilang mga ginagastos. Puwede naman na bulaklak na lang ang ipinadala nila sa akin at wala nang kuwintas ‘di ba?
Pero ano naman ang magagawa natin kung likas na generous sina Marian at Dingdong na naniniwala na there’s joy in giving!
Bettina Carlos namigay ng sugar free cookies
Maraming salamat kay Bettina Carlos sa sugar free nutella cookies na ipinadala niya sa bahay ko.
Bagay na bagay sa mga diabetic ang sugar free cookies na mismong si Bettina ang gumawa.
In fairness, masarap ang mga sugar free nutella cookies na natanggap ko mula kay Bettina.
Para sa mga diabetic at health conscious na gustong matikman ang sugar free cookies ni Bettina, mag-text o tawagan n’yo lang sa mobile phone number 0917-861-BITE.
Taiwanese family na nagpakamatay lubog daw ang furniture business
Nakalulungkot ang murder suicide case ng isang Taiwanese family sa San Juan dahil idinamay ng mga magulang na nagpakamatay ang kanilang mga anak na inosente. Kaklase ng anak ng isang kaibigan ko ang 18-year old female victim na estudyante ng Ateneo de Manila University.
Down na down ang pakiramdam ng anak ng friend ko at ng kanyang mga kaibigan dahil sa tragic ending ng kaklase nila.
Nag-iwan ng suicide note ang padre de pamilya na nagbilin na ipa-cremate ng kanilang kapit-bahay ang labi nila at ipadala sa isang kamag-anak sa Taiwan.
Ibuburol muna sa Arlington Chapels ang mga bangkay ng mga biktima dahil sa Martes pa nakatakda ang cremation.
Iniulat ng The China Post na may utang sa mga loanshark ang mga magulang ng biktima at bagsak ang kanilang furniture business kaya pinili na tapusin ang mga buhay nila.
- Latest