^

PSN Showbiz

Martin ayaw na ayaw mag-party ‘pag birthday

Jun Lalin - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Ang intimate birthday salubong sa isang restaurant somewhere in Makati City ni Martin Nievera.

Dahil sa twin-sister niyang si Vicky kaya nagkaroon ng munting salu-salo si Martin para sa kanilang birthday.

Ayon kay Martin, ayaw niyang nagpa-party, pero dahil may twin siya at based na ito sa ating bansa, hindi maiwasang magkaroon sila ng family celebration.

Nasa birthday salubong nila ang mga anak ni Martin na sina Robin at Ram at dumating din ang ex-wife niyang si Pops Fer­nandez.

Kahit nauwi sa hiwalayan ang kanilang pagsasama, good friends pa rin sina Martin at Pops.

Kahapon, sa Cebu City nag-celebrate ng kanyang 53rd birthday ang TV host/singer sa pamamagitan ng isang concert sa bagong bukas na Grand Convention Center Cebu kasama ang special guest niyang si KZ Tandingan.

Mas gusto ni Martin na nagtatrabaho sa birthday niya mismo dahil mas masaya raw na kasama niya ang mga taong sumusuporta sa kanyang career o sa lalong madaling salita, ang kanyang mga tagahanga.

Ultimate... sold out na

It’s official, sold out ang tickets para February 14 Ultimate concert sa MOA Arena nina Martin Nie­vera, Regine Velasquez-Alcasid, Gary Valenciano, Lani Misalucha (ganyan ang billing nila, walang may “and”).

Ang February 13 naman, almost sold out na rin.

Ngayon pa lang, matindi na ang clamour na magkaroon sila ng repeat, pero ang unang target na March 14 ay hindi naman puwede dahil March 12 ay babalik na sa Las Vegas, Nevada si Lani Misalucha para sa ilang singing engagement sa Amerika at si Gary din ay aalis papunta sa ibang bansa.

Plinano ng producers na sina Anna Puno at Ca­cai Velasquez-Mitra na gawin na lang three nights ang concert at magkaroon na rin ng Ultimate sa February 15, pero hindi raw available ang MOA Arena.

Pinag-iisipan pa nila ang February 16, pero mag­dedesisyon pa tungkol doon by Monday.

AI-AI at Ser Chief hindi raw nagtugma ang sked!

Co-producer pala si Ai Ai delas Alas ng Ai Heart Papa concert niya sa Solaire Resorts & Casino sa February 12.

May issue na hindi sila nakapagbigay ng down payment kay Richard Yap kaya nag-back out ito sa concert at pinalitan ni Aljur Abrenica, isa pang aktor at isang surprise guest.

Nang makausap ko kahapon ang co-producer ni Ai Ai sa concert na si Jacob Fernandez, ikinaila niya ang issue na hindi sila nakapagbigay ng down payment kay Richard. Problema raw ang hindi magkatugma-tugmang schedules sa rehearsals ang dahilan kaya hindi natuloy roon ang aktor na mas kilala bilang si  Ser Chief.

Sabi ni Jacob, ‘yung mga ipinalit daw nila kay Richard, mismong si Ai Ai raw ang nakipag-usap.

‘Yung surprise guest daw nila ay hindi talaga puwedeng sabihin, pero tiyak daw na marami ang magugulat paglabas nito sa kanilang concert.

May nakapagtsika na sa akin kung sino ang spe­cial guest na ‘yon at baka magpa­giling-giling ang mga manonood ng Ai Heart Papa paglabas ng taong ‘yon sa concert.

vuukle comment

AI AI

AI HEART PAPA

ALJUR ABRENICA

ANG FEBRUARY

CONCERT

LANI MISALUCHA

SER CHIEF

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with