Hi-5 Philippines, naghahanap ng magiging hosts!
Malugod na ipinahayag ng TV5 management ang pakikipag-alyansa ng Kapatid TV network sa Hi-5 World, ang Australia-based producer ng isa sa pinaka-popular na children show, ang Hi-5.
Dahil sa bagong alliance ng TV5 at Hi-5 World, magkakaroon na ng local version ang programa na gagawing Hi-5 Philippines.
Ang Hi-5 ay pre-school interactive show on air na puno ng musika at sayawan para madaling matuto ang mga batang manonood at the same time ay enjoy sila sa kanilang pinapanood.
Ayon sa executive producer at creative head ng Hi-5 World na si Julie Green na naniniwala siya sa pagiging passionate and loyal fans ng Filipino audience.
Dahil sa Hi-5 Philippines, magkakaroon ng massive nationwide search for new talents ang TV5 na siyang magiging first batch of hosts ng programa na magsisimula ngayong February 9.
Ang Hi-5 Philippines ay nakatakdang mapanood araw-araw, Lunes hanggang Biyernes sa ganap na alas-8:30 ng umaga simula sa February 21.
Basil Valdez at 70’s Divas magsasama-sama uli
Very rare ang pagkakataon na nagkakasama-sama sa isang event ang mga music icons na sina Basil Valdez, Jacqui Magno, Pat Castillo, Louie Reyes, at Tillie Moreno lalupa’t ang iba sa kanila ay sa ibang bansa na namimirmihan tulad nina Louie at Tillie na sa Amerika naka-base for the longest time.
On February 14, magkakasama sila sa isang Valentine show sa Here’s to Love: Basil Valdez & the 70’s Divas na gaganapin sa grand ballroom ng Solaire Resort & Casino. Isa itong bihirang chance na mapanood ang limang music icons na nagtatak nung dekada `70.
Richard pinalitan ni AiAi ng mas bata!
Sayang at hindi na mapapanood si Richard Yap sa pre-Valentine show ni AiAi delas Alas dahil umano sa problema sa bayaran. Bilang kapalit, kinuha ng producer sina Aljur Abrenica, JC de Vera, at isang major surprise guest na ayaw i-reveal ng singer-comedienne ang identity dahil sorpresa nga raw.
Sina AiAi at Richard ay unang nagkasama sa seryeng My Binondo Girl kung saan nakilala si Richard bilang si Papa Chen, ang kanyang pinasikat na character sa nasabing serye. Ito rin bale ang first TV series at acting debut ng mas kilala ngayon sa taguring na Ser Chief, ang character naman na kanyang pinasikat sa hit TV series na Be Careful with My Heart na pinagbidahan nila ni Jodi Sta. Maria na tumakbo sa ere ng dalawang taon at kalahati at nagtapos lang noong November 28, 2014.
- Latest