OPM may pa-concert sa pamilya ng Fallen 44, Grace Lee ayaw nang MA-identify na ex ni P-Noy?!
PIK: Suportado ng mga musikero ang General Assembly ng OPM na ginanap sa Teatrino kamakalawa ng hapon.
Sabi ng presidente ng OPM na si Ogie Alcasid, marami raw ang dapat abangan ngayong taong ito. Ang isa nga rito ay ang Linggo ng Musikang Pilipino na sisimulan nila ngayong taong ito.
Tuwing last week of July ay ipagdiriwang na raw natin ang Linggo ng Musikang Pilipino at itutuloy na raw ito sa Pinoy Music Festival na gagawin sa July 31.
Ang isa pang pinaghahandaan ngayon ng OPM ay ang kanilang benefit concert para sa pamilyang naiwan ng 44 Fallen Heroes.
PAK: Napabalita sa isang blog na nabawasan daw ng followers si Kris Aquino sa kanyang Instagram account dahil sa umiinit pa ring isyu ng nangyaring pagpaslang sa 44 police commandos ng SAF.
Pero nang tiningnan namin ang kanyang Instagram account, nadagdagan naman at dumarami na ang mga nagtatanggol sa kanya. Isa-isa yata niyang binabasa ang mga komento sa bawat pinu-post niya at kapag nagustuhan niya ay niri-repost niya ito.
Ang isa sa napansin namin ay lalong nabawasan ang following niya.
Nung nakaraang linggo ay mahigit 300 ang pina-follow niya, tapos nung kamakalawa lang ay naging 285 na lang.
Kahapon ay muli naming tiningnan ang IG account ni Kris, naging 254 na lang ang pina-follow niya. Pakonti nang pakonti na ang sinusundan niya.
BOOM: Kahapon naman sa press launch ng Sine Asia, nakatsikahan namin si Grace Lee tungkol naman sa nakipagsagutan nito sa Twitter kay Leah Navarro, bilang pagdalamhati sa pagpaslang sa 44 Fallen Heroes.
Sabi ni Grace: “Of course justice for the 44 heroes who died. Sa TV nga black ang sinusuot ko. I’ve been wearing black for a week since it happened, dahil ayokong makalimutan sila.
“The service they gave the country, the sacrifice for the country should not be forgotten. Justice should be served. Delayed justice is like no justice at all.”
Ayaw ng Koreanang TV host na magkomento pa tungkol sa sarili niyang pananaw sa ating pangulo na dati niyang boyfriend.
“I don’t think I’m allowed to say,” napapangiti niyang pahayag.
Sabi pa niya, kung ano man daw ang pananaw niya sa isyu, wala naman daw iyun kinalaman sa nakaraan nila ni PNoy.
Aniya; “I don’t think my feelings are special just because of the past.
Wala naman daw bearing iyun dahil lang sa dati siyang girlfriend ng ating pangulo.
“I think, my sentiments and the sentiments of any ordinary Filipino ay pareho lang.
“Why would my sentiments be more special because of what happened. I don’t I deserve that kind of credit,” pahayag pa ni Grace.
- Latest