Karelasyon ng controversial female personality na basketbolista dumaan na sa kamay ng bakla!
Tutal naman ay parang showbiz na rin ang mundo ng basketball at tutal naman ay maraming babaeng personalidad ang nagiging karelasyon at napapangasawa ng mga dribolero ay tumbukin na rin natin ang mga kuwentong bumabalot sa personal na buhay ng mga basketbolista
A. Alam ng mga kaibigan ng isang pamosong gay TV personality na siya ang unang-unang naging ka-close ng isang sikat na basketball player ngayon. Siya rin ang unang nagregalo ng bonggang rubber shoes sa collegiate player pa lang nu’n na naugnay ang pangalan sa isang sikat na female personality.
Magmamano sa gay TV personality ang kontrobersiyal na female personality dahil walang katotohanan na ito ang unang-unang nakarelasyon ng basketbolista sa mundo ng showbiz.
At isa lang ang kinumpirma ng mga kaibigan ng gay TV personality, “Taga-Dakota Harrison ang sikat nang basketball player na ‘yun!”
B. Nu’ng kasagsagan pa ng pagmamahalan ng isang magaling na basketball player at ng girlfriend nitong young actress ay palagi silang pinagpipistahan sa mga umpukan ng mga players.
Natural, matindi ang kanilang pagmamahalan, kaya kapag dumadayo ang team ng sikat na basketball player sa mga probinsiya ay isinasama nito ang kanyang inspirasyon.
Pagkatapos ng kanilang game ay may isa pang laban na hinaharap ang magaling na basketbolista, ang labanan nila sa kama ng magandang young actress, hitsura raw ng umaatungal na baka kung makasigaw ang babae kapag nasa kaitaasan na ang pagniniig nila ng super-tangkad na basketball player.
“Pero wala ring nangyari, nagkahiwalay rin sila, magkaaway pa nga sila ngayon. Magulo ang sitwasyon nila!” kuwento ng isang source.
Bukas, sino naman ang napapanahong basketball player ng isang sikat na team na kaya sumasablay ang laro ay dahil sa panglalambot? Madaling hingalin ang basketbolista dahil madalas siyang kumukuha ng babae sa isang kilalang Boogie Wonderland (read: pimp, bugaw).
Ubos!
Kris tinalikuran na ng maraming kaibigan, mga dating supporters umaayaw na
Sa pag-iisa siguro ni Kris Aquino ngayon ay tinatanong din niya ang kanyang sarili. Ano na ba itong nangyayari sa kanila ngayon? Bakit pati ang mga taong akala nila’y nasa kanilang panig ay kalaban na nila ngayon?
Saka bakit ganu’n? Pati mga artistang akala niya’y hawak niya sa leeg ay nagsasalita na rin nang laban sa kanyang kapatid na pangulo? Ano na ito, anoooooooo????
Maraming nalusutang laban si Kris. Dahil sa husay niyang magsalita at husay niyang umarte sa harap ng mga camera ay napaniniwala niya ang publiko sa kanyang mga sinasabi. Nakaya niyang lampasan ang mga kontrobersiya sa kanyang personal na buhay.
Tinutukan siya ng baril ni Mayor Joey Marquez—check. Kinaliwa siya ni James Yap—check. Niligawan siya pero iniwan sa gitna ng laban ni Mayor Herbert Bautista—check.
Pero sablay siya sa pagkakataong ito. Kung milyon ang kanyang mga tagahanga ay milyon din ang nagpapatikim ngayon sa kanya ng siling labuyo. Binabanatan siya, inuupakan, kasabay ang pagtuligsa rin sa kanyang pangulong utol.
Nakakaalarma ito. Sana’y makaramdam na sila ng takot sa mga nangyayari ngayon. Parang lumipas na ang karisma nila sa publiko. Maraming sumuporta sa kanila ang lantaran nang nagsisisi ngayon.
Wala nang hihigit pa sa senaryo nang kausapin ni P-Noy ang ating mga kapulisan. Walang nagsalita. Walang nagbigay ng reaksiyon. Parang nakikipag-usap lang sa hangin ang pangulo dahil sa nakabibinging katahimikang isinukli sa kanya ng mga kapatiran ng SAF-44.
Mga unipormadong lalaki na rin ang madalas na magsabi, hindi nakakatakot ang mga kalabang nag-iingay, mas dapat katakutan at paghandaan ang mga nananahimik na langkay.
- Latest