Reporter’s Notebook may natuklasan sa Fallen 44
MANILA, Philippines – Mula sa necrological service sa Camp Bagong Diwa sa Bicutan, Taguig, inuwi na sa kani-kanilang probinsya ang 42 miyembro ng PNP-Special Action Force na nasawi matapos ang engkuwentro nila sa MILF at BIFF sa Mamasapano, Maguindanao. Nauna nang inilibing ang dalawa sa kanila sa Mindanao.
Tinungo ng Reporter’s Notebook ang ilan sa mga pamilya ng tinaguriang Fallen 44. Kabilang rito ang pamilya ni PO3 Robert Allaga sa bulubunduking bayan ng Banaue, Ifugao. Sa apatnapu’t apat na nasawing miyembro ng SAF, labing tatlo sa kanila ang mula sa Cordillera Administrative Region o CAR. Hanggang ngayon puno pa rin ng pagdadalamhati ang kanilang mga mahal sa buhay sa karumal-dumal nilang sinapit.
Mahigit isang linggo matapos ang madugong engkuwento, maraming tanong ang wala pa ring kasagutan. Sino nga ba ang namuno sa panig ng gobyerno? Natupad na ba ang nauna nang sinabi ni Pangulong Aquino na kailangang isuko ng MILF at BIFF ang mga taong sangkot sa engkuwentro at maging ang mga armas at kagamitang kinuha mula sa SAF? Ano ang tunay na kaugnayan ng MILF at BIFF? Ano ang kahahantungan ng Bangsamoro Basic Law na sinasabing tulay raw sa pagkamit ng kapayapaan sa Mindanao?
Alamin ngayong Huwebes kasama sina Jiggy Manicad at Maki Pulido sa Reporter’s Notebook, 4:25 ng hapon pagkatapos ng Ang Lihim ni Annasandra, sa GMA-7.
- Latest