Direk Paul walang pakialam sa ‘kayamanan’ ni Toni
Walang isyu ng pera sa magpapakasal na sina Toni Gonzaga at Direk Paul Soriano. “Money has never been an issue to us. It’s obvious that she makes more money than me. But I can provide for her for the rest of her life,” na sigurado ang lahat na ikinakilig ng TV host, dahil for once, nakita kung ano’ng klaseng lalaki ang mapapangasawa niya at worth it na hintaying mag-propose sa kanya makaraan ang mahigit pitong taon.
Sa panig ni Toni walang keber si Paul anuman ang gawin ni Toni sa kanyang pera na nasa pangangalaga ng kanyang ina. Okay lang sa kanya kung iiwan niya ito sa kanyang pamilya. Ang mahalaga, meron siyang (Paul) ipon para sa kanila ni Toni na sinabi niyang makapagbibigay dito ng isang magandang buhay. ‘Yun na!
Fans hindi na kailangang maghintay sa engagement nina Luis at Angel
Mukha ngang hindi tayo makakakita ng marriage proposal mula kay Luis Manzano para kay Angel Locsin kung ang pagbabasehan ay ang sinasabi niyang gusto niyang gawin ang paghingi ng kamay ng aktres in a simple and very private way.
Nangyari ito kina Toni at Direk Paul bagama’t andun ang pamilya ni Toni. Si Luis naman, gustong silang dalawa lang ni Angel. Walang mahihintay na big event ang lahat mula sa anak ni Gov. Vilma Santos. Makuntento na lamang sila na baka sa kasal ay mabigyan sila ng pagkakataong masaksihan ito.
Richard Yap, hindi nakahintay ng bayad
Nakalulungkot naman lalo na sa parte ni AiAi delas Alas na hindi na matutuloy si Richard Yap sa paggi-guest sa kanyang Valentine concert. Nainip yata ang kampo ng aktor sa paghihintay sa kumpirmasyong makasasali ito sa concert kaya kumuha na ng ibang trabaho. Kahit nasa kampo ng kanyang producer ang may salto, si AiAi pa rin ang magdadala ng problemang ito.
Pope Francis kailangan ng mamamayang Pilipino
Sayang at nakaalis na si Pope Francis bago pa naganap ang pamamaslang sa 44 miyembro ng SAF ng PNP. With him around, mas madali nating matatanggap ang pangyayari ‘di tulad ngayong nagkakawindang-windang tayo dahil sa pagkakaiba-iba ng ating mga opinion. And in the process, nakalimot na tayo sa magagandang asal na pinaiiral sa ating buhay.
Julian hahataw sa Korea
Umalis na patungong Korea ang GMA Artist na si Julian Trono upang daluhan ang kanyang guest spot sa live musical variety program ng MBC na Show Champion.
Kinakitaan ng malaking potential sa pag-awit ang Kapuso teen star at mapanood ang kanyang performance sa TV ni Jin-Eog Kim kaya naman siya ang napili nilang sanayin at hasain sa larangang ito. Si Jin-Eog Kim ang co-CEO ni Alfredo delos Santos sa JU Entertainment Music & Contents Inc., isang Pinoy company na nag-a-adopt ng K-Pop system. Nakilala rin siya sa kanyang pagiging eksperto sa scouting, developing talent at artist management at kabilang sa kanyang mga nadiskubre ang SeoTaiji and Boys.
Patuloy pa rin ang training ni Julian upang malinang ang kanyang talento sa pag-awit at maging sa pagsasayaw sa ilalim ng K-Pop (Korean Pop) system.
- Latest