^

PSN Showbiz

Coco at Daniel wala nang kawala kay Vice Ganda

RATED A - Aster Amoyo - Pilipino Star Ngayon

Kamakailan lamang ay pumirma ng multi-picture contract si Vice Ganda sa bakuran ng Star Cinema at kasama na rito ang dalawang pelikulang gagawin niya sa taong ito – one with Coco Martin at isa with Daniel Padilla na siyang magiging entry sa 2015 Metro Manila Film Festival (MMFF).

Parehong malapit si Vice Ganda kina Coco at Daniel kaya excited siya.

Magiging abala rin si Vice Ganda sa paghahanda para sa kanyang panibagong major concert sa Araneta Coliseum on May 22 which will also mark his 15th year sa showbiz.

Not everybody knows na si Vice Ganda ay produkto rin ng Eat Bulaga nang siya’y sumali sa segment ng programa na Oh…Diva in 1999 bago pa man siya nagsimula sa pagiging stand-up comedian in 2000.

Anak ni Whitney Houston kay Bobby Brown ‘ginaya’ ang ginawa ng ina

Habang isinusulat namin ang column na ito ay nakikipaglaban pa rin sa kanyang buhay ang kaisa-isang anak ng yumaong music icon na si Whitney Houston sa asawa nitong si Bobby Brown, ang 21-year-old na si Bobbi Kristina Brown matapos itong matagpuang face down na walang malay sa kanyang bahay sa Ellard Subdivision sa Altanta, Georgia noong Sabado. Drug overdose ang itinuturong dahilan kung bakit nawalan ng malay ang aspiring singer-actress. Agad isinugod si Bobbi sa North Fulton Hospital sa Roswell, Georgia pero nailipat na ito sa isang undisclosed hospital pero unrenponsive pa rin daw hanggang ngayon.

Si Bobbi ay kasal sa alaga ng kanyang yumaong inang si Nick Gordon na siyang nakadiskubre sa kanyang walang malay na asawa kasama ang isang kaibigan.

Humihingi ang ama ni Bobbi ng privacy para sa kanyang pamilya at nagpapasalamat sa patuloy na prayers para sa kanyang anak.

Kung matatandaan pa, ang ina ni Bobbi na si Whitney ay natagpuang patay sa isang bathtub sa isang Beverly Hills Hotel noong February 2012. Mukhang ito rin ang pattern na ginawa ng kanyang anak na si Bobbi Kristina Brown-Gordon.

Dingdong at Marian isinisekreto pa ang gagawin

Parehong excited sina Dingdong at Marian Dantes sa kanilang mga babalikang trabaho matapos ang kanilang kasal.

Bumalik na rin si Dingdong sa kanyang tanggapan sa National Youth Commission (NYC) bilang Commissioner-at-large at hinarap din nito ang kanyang sariling Yes Pinoy Foundation ganoon din ang sarili nitong negosyo.

Dalawang TV shows ang pagkakaabalahan ni Dingdong. Bukod sa bagong teleserye na kanyang sisimulan, siya rin ang magiging main host ng bagong season ng reality show na StarStruck.

Samantala, patuloy pa ring lumulutang ang pa­ngalan ni Dingdong na papasukin din umano nito ang larangan ng pulitika bagay na mariin niyang itinanggi.

vuukle comment

ARANETA COLISEUM

BEVERLY HILLS HOTEL

BOBBI

BOBBI KRISTINA BROWN

BOBBI KRISTINA BROWN-GORDON

BOBBY BROWN

COCO MARTIN

KANYANG

VICE GANDA

WHITNEY HOUSTON

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with