^

PSN Showbiz

JM napapangiti kapag naaalala si Jessy, pero nakasama na sa kasalan si Meg Imperial

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon

Mainit na pinag-uusapan ngayon ang pelikulang That Thing Called Tadhana na pinagbibidahan nina Angelica Panganiban at JM de Guzman. Nagsimula nang ipalabas kahapon sa mga sinehan ang nasabing proyekto  at maganda ang feedback ng mga manonood dahil sa kakaibang atake nito.

“Grateful kasi hindi rin namin in-expect na aabot sa ma-distribute siya ng Star Cinema. ‘Yung sa Cinema One pa lang siya, happy na ako no’n. Tapos dagdag pa sa akin na ipalabas siya nationwide,” bungad ni JM. Humanga raw ang binata sa pagiging magaling na artista ni Angelica. “Sobrang gaan niya katrabaho kasi para lang siyang naglalaro pero at the same time naglalaro na parang papakita niya pa rin ‘yung pagka-professional niya,” pagbabahagi ni JM.

Kamakailan ay napabalitang si Meg Imperial na raw ang bagong espesyal na babae ngayon sa puso ng aktor. “Wala pa naman. Nagkaroon kami ng show sa Davao tapos right after no’n lumabas lumabas kami. Tapos kasama family niya sa church tapos sa isang wedding, ‘yun lang,” paglilinaw ng JM.

Samantala, bilang pagsuporta sa aktor ay dumalo si Meg sa premiere night ng That Thing Called Tadhana noong Martes. Nagbigay din ng pahayag si Meg tungkol sa pagkakaugnay niya kay JM. “Me and JM are friends. Nagkasama lang kami noong December. We are good friends. Actually, nagkatrabaho na kami before and then nagkita lang ulit kami noong December,” kwento ni Meg. Ayon sa aktres ay nagpapalitan sila ng text messages ni JM pero hindi pa sila nakakapag-date kahit minsan.

“Nagkasama lang kami twice. It’s an event and ‘yung kasal ng friend ko. We exchange ng text messages minsan kapag may time,” pagkukumpirma ng dalaga.

Para kay Meg ay na kay JM ang mga katangian ng isang lalaki na talaga namang magugustuhan ng mga babae. “He’s adorable. Gwapo siya, sobra. He’s really a gentleman and very mabait,” paglalarawan ni Meg.

Single pa rin ngayon ang dalaga at may posibilidad na pumasok sa isang relasyon kapag dumating na raw ang tamang panahon. “Okay lang ako na walang relationship. Okay lang din naman if may dumating talaga. If talagang ma-fall or ma-develop. Hindi naman natin maiiwasan eh,” nakangiting pahayag ng aktres.

Matatandaang si Jessy Mendiola pa ang huling nakarelasyon ni JM ilang taon na ang nakararaan. “Masaya na ako. ‘Pag naaalala ko rin siya ngingiti na lang ako,” makahulugang pagtatapos ni JM.

Reports from JAMES C. CANTOS

ANGELICA PANGANIBAN

CINEMA ONE

JESSY MENDIOLA

LANG

MEG IMPERIAL

NAGKASAMA

STAR CINEMA

TAPOS

THAT THING CALLED TADHANA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with