^

PSN Showbiz

Charo Santos-Concio, kinilalang outstanding alumna ng St. Paul

Kane Errol Choa - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Ginawaran kamakailan si ABS-CBN president at chief executive officer (CEO) Charo Santos-Concio ng Fleur-de-lis Award, ang pinakamataas na pagkilala para sa mga natatanging alumni ng St. Paul University Manila.

Ayon sa pangulo ng St. Paul University Manila na si Sister Ma. Evangeline Anastacio, binigyan ng parangal si Charo dahil sa kanyang tagumpay at ma­laking kontribusyon sa larangan ng telebisyon at walang maliw na suporta sa kanyang alma mater.

“Inspirasyon si Charo para sa mga kapwa niya Paulinian dahil sa hindi matatawaran niyang kahusa­yan sa kanyang larangan at ang dedikasyong lumik­ha ng mas makabuluhang mga drama at pub­lic ser­vice program sa telebisyon,” pahayag ni Sis. Evan­­geline tungkol kay Charo, na nagtapos ng kur­song communication arts, cum laude sa St. Paul University Manila.

Ani Charo, habang nag-aaral siya noon sa St. Paul ay isinasabay niya ang pagtatrabaho bilang part-time bilang voice talent at host sa isang noontime show sa radyo.

“Kailanman ay hindi nawala ang pagmamahal ko sa media. Noong nag-aaral ako, naisip kong kaya kong maglingkod sa bayan sa pamamagitan ng media,” sabi ni Charo. “Sa ABS-CBN, ginagawa ko ang mahal kong gawin—ang magbahagi ng mga kwentong nagbibigay sa mga tao ng inspirasyon, kaalaman at pag-asa.”

Nanalo rin si Charo ng tatlong international awards noong 2014 dahil sa kanyang epektibong pa­ma­­mahala bilang president at CEO ng pinakamalaking multimedia conglomerate sa bansa.

Iginawad kay Charo ang Gold Stevie Award sa kategor­yang Female Executive of the Year in Asia, Australia or New Zea­land sa prestihiyosong Stevie Awards for Women in Business; Gold Stevie Award para sa Woman of the Year category para sa lahat ng mga bansa sa Asia-Pacific (maliban sa Australia at South Korea) sa 2014 Asia-Pacific Stevie Awards; at pinangalanan din siyang Asian Media Woman of the Year ng ContentAsia, isang nangungunang publication na pinagkukunan ng mahahalagang impormasyon tungkol sa entertainment media industry sa buong Asia-Pacific.

Itinalagang CEO ng ABS-CBN si Charo noong Enero 2013. Bago nito ay nag­silbi siyang president at chief operating officer mula 2008. Naging head of Channel 2 Mega Manila Management si Charo noong 2007 at kumuha ng Advanced Management Program sa Harvard Business School sa parehong taon.

Kilala si Charo bilang host ng longest-running drama anthology ng ABS-CBN na Maalaala Mo Kaya. Nagsimula siya sa ABS-CBN bilang TV production consultant noong 1987 matapos maging line producer sa BanCom, Audiovision, Vanguard Films, Regal Films, and Vision Exponents. Nagsilbi rin siyang film production manager sa Experimental Cinema of the Philippines.

ADVANCED MANAGEMENT PROGRAM

ANI CHARO

ASIA-PACIFIC

ASIA-PACIFIC STEVIE AWARDS

ASIAN MEDIA WOMAN OF THE YEAR

CHARO

GOLD STEVIE AWARD

SHY

ST. PAUL UNIVERSITY MANILA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with