^

PSN Showbiz

Senador Bong gustung-gusto sanang makiramay sa Fallen 44!

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon

Tulad ng milyun-milyong Pilipino, ikinalungkot ni Senator Bong Revilla, Jr., ang malagim na nangyari sa Fallen 44 ng PNP-Special Action Force.

Malapit sa puso ni Bong ang SAF dahil honorary member siya mula pa noong 2003.

Gustung-gusto ni Bong na makiramay nang personal sa naiwanang pamilya ng mga biktima, pero hindi puwede dahil hindi siya puwedeng lumabas mula sa kulungan nila ni Senator Jinggoy Estrada.

Noong malaya pa siya, naging ugali na ni Bong ang makiramay at pumunta sa burol ng mga namatay, kahit hindi niya personal na kilala at wala sa kanyang schedule.

Para kay Bong, basta Pilipino na nangangailangan ng tulong, moral and emotional support, pinupuntahan niya.

Dahil hindi nga siya puwedeng pumunta sa Camp Bagong Diwa, ang kanyang misis, si Congresswoman Lani Mercado ang naging representative niya at nakiramay sa mga naulilang pamilya ng Fallen 44.

Ipinaabot na lang ni Bong ang taos-puso na pakikiramay at pagdadalamhati sa pamamagitan ng isang official statement.

“Ngayong araw na ito ay ang Pambansang Araw ng Pagdadalamhati para sa 44 na miyembro ng Philippine National Police-Special Action Force na nagbuwis ng buhay sa madugong engkwentro sa Mamasapano, Maguindanao limang araw na ang nakalilipas.

“Ramdam ko ang lungkot at pighati na nananahan ngayon sa mga puso at damdamin hindi lamang ng mga naulilang mahal sa buhay ng “SAF 44” kundi maging sa kanilang comrades-in-arms sa elite police unit na maituturing na pangalawang pamilya ng bawat miyembro ng SAF.

“Gusto ko mang makiramay ng personal sa mga naulila ng SAF 44 ay hindi maaari dahil sa aking kasalukuyang sitwasyon. Gayunpaman, ipinagdarasal ko ang mga nabuwal nating bayani kabilang na ang kanilang mga naiwanang mahal sa buhay.

“Dalangin ko rin ang kaligtasan ng lahat ng miyembro ng Special Action Force na tiyak na mapapalaban muli sa malapit na hinaharap dahil sa kanilang sinumpaang tungkulin bilang mga “Tagaligtas.”

“Muli, nakikiramay ako sa lahat ng mga naulila ng SAF 44 at sa lahat ng miyembro ng SAF na nawalan na kapatid, kamag-anak, kaklase at kaibigan.

“Nawa’y makuha natin ang kagyat na hustisya para sa 44 na bayani ng SAF na naging biktima ng kaapihang ito, nang sa gayon ay hindi mabalewala ang kanilang pagbubuwis ng buhay.

“Magtulungan tayo para matunton ang nasa likod ng karahasang ito, sapagkat kailanman, hindi maaaring magkaroon ng ganap na kapayapaan kung walang kaakibat na katarungan.”

‘Miss Mayweather sinira ang schedule ko’

Naging favorite expression ng mga Pinoy ang “wala sa schedule” dahil sa sagot ng Malacañang tungkol sa no show ni P-Noy sa arrival honors para sa Fallen 44.

Naiirita naman ako kay Floyd  Mayweather, Jr. dahil nasa schedule ko ang panoorin ang laban nila ni Manny Pacquiao pero biglang may mga drama siya na hindi pa sigurado ang kanilang boxing fight.

Ang arte-arte niya ‘di ba? Sinisira niya ang schedule ko dahil noon ko pa sinabi na kapag natuloy ang laban nila ni Papa Manny, lilipad ako sa USA at manonood.

Itinago ko na nga ang contact number ng aking kumpare na si Oscar Atienza ng Chino Hills na may imbitasyon na makipagkita ako sa kanila ng kanyang misis na si Mareng Loida kapag natuloy ang biyahe ko sa U.S. para any moment, matawagan ko sila.

Eh biglang nag-inarte si Miss Mayweather na hindi talaga dapat seryosohin at sagana lang sa pralala.

CAMP BAGONG DIWA

CHINO HILLS

CONGRESSWOMAN LANI MERCADO

DAHIL

MISS MAYWEATHER

SPECIAL ACTION FORCE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with