^

PSN Showbiz

Jake at Bea magkaiba ang alam na anniversary nila

SUNTOK SA BUWAN - Emy Abuan Bautista - Pilipino Star Ngayon

Nahalata namin na may tampuhan sina Jake Vargas at Bea Binene dahil noong anibersaryo ng pagiging magnobyo nila ay ni hindi binigyan ng regalo ng binata ang dalaga. Ayon sa aktor, Enero ang kanilang anniversary na tinutulan ni Bea dahil ayon dito, February 15 ang anniversary nila.

Ano ba yan!  sabi ng mga press people na nag-interview sa dalawa nang magkahiwalay. Kahit petsa ng anniversary ay hindi nila alam.

Naniniwala naman si Jake na magkakasundo rin sila ni Bea dahil lagi naman daw away-bati ang ka­nilang drama sa buhay.

Pero bilib si Direk Richard Somes na director ng dalawa sa Liwanag sa Dilim dahil kahit may tampuhan ay hindi nila nadadala sa set.

Sa kabilang banda, gusto ni Bea na makapagtapos ng pag-aaral at kumuha ng Mass Communication sa college. Gusto niyang maging isang newscaster at paborito niya sina Mel Tiangco at Vicky Morales.

Si Jake naman ay gustong ipagpatuloy ang pag-aaral sa high school at kumuha ng Culinary Arts pagkatapos.

PTV4 magpapalabas na rin ng mga Koreanovela

Ipinakita ang trailer ng Koreanovela na Here Comes Mr. Oh! Ayon sa producer, ang drama ay na-extend ng siyam na episodes sa South Korea kung saan mataas ang rating nito.

Ayon kay Mr. Robert Tan, first time na ipalalabas ang Here Comes Mr. Oh! sa Pilipinas kung saan hindi lang kultura ng Korea ang mapapanood kundi pati na rin kanilang family values. Marami pang mga planong proyekto ang PKEI PTV Korean Entertainment Incorporated sa pakikipagtulungan sa PTV4 gaya ng pagpapalabas ng singing contest kung saan pagsasamahin ang sikat na female Korean concert artist at male Pinoy artist.

Ang Here Comes Mr. Oh! ay mapapanood araw-araw sa PTV4 chaired by Mr. James Chan from 5:30 p.m. to 6 p.m.

vuukle comment

AYON

BEA

BEA BINENE

CULINARY ARTS

DIREK RICHARD SOMES

JAKE VARGAS

KOREAN ENTERTAINMENT INCORPORATED

KOREANOVELA

MASS COMMUNICATION

MR. OH

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with