^

PSN Showbiz

Kasama ang mga Aeta, Daniel at Kathryn hanggang next month pa sa Mt. Pinatubo

Jun Lalin - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Kamakailan ay dinalaw ni Karla Estrada ang anak na si Daniel Padilla sa isang lugar sa Tarlac.

Ilang araw na roon si Daniel kasama si Kathryn Bernardo at ang iba pang cast at staff na nagso-shooting ng post-Valentine movie ng Star Cinema.

Bawal umalis sa set. Walang uwian daw hanggang sa Peb­rero 7 at dahil nasa paanan sila ng Mt. Pinatubo, wala raw signal.

“Walang signal, kaya dumalaw ako to check,” sey ni Karla nang makatsikahan ko kahapon.

Biniro ko si Karla na kaya siya dumalaw sa shooting ng anak ay para panindigan ang pagiging stage mother niya.

“Hahaha. Konti lang naman. Hindi sobrang stage mother. Pero siyempre, nag-check lang ako sa anak ko dahil wala ngang signal doon, hindi ako maka-contact at kailangan talagang sadyain.

“Ganoon yata talaga kapag ikaw ang mag-isang nagpa­laki, hindi puwedeng mawalay ng matagal sa paningin mo ang anak mo,” sey ni Karla.

Sa Biyernes daw ay babalik si Karla sa Tarlac para dalhin ang ilang school supplies na pinabili ni Daniel.

“’Yung location kasi, Aetas community ‘yon. Gusto ni DJ (palayaw ng anak) na bumili ako ng school supplies na idi-distribute niya sa mga bata roon. Nakakatuwa naman, kaya heto, abala ako sa pamimili,” dagdag pa ni Karla.

Gawa ng Pinoy designer bumida sa Sag Awards

Naging isyu noong 63rd Miss Universe beauty pageant ang evening gown na isinuot ng ating representative na si MJ Lastimosa dahil gawa ng Colombian designer na si Alfredo Barazza ang nasabing mermaid gown.

Napakarami nga namang magaga­ling na Pinoy fashion designers, kaya ang protesta ng marami, dapat na ipagkatiwala na sa isa sa kanila ang paggawa ng gowns na isinusuot ng ating mga beauty queen na nagko-compete sa iba’t ibang beauty pageants abroad.

Marami naman kasi tayong sikat na Pinoy fashion designers na kinikilala rin sa ibang bansa, kaya bakit daw hindi na lang isa sa kanila ang kunin ng ating beauty pageant orga­nizers para magdamit sa ating mga beauty queens.

Maging sa Hollywood, ma­raming Pinoy fashion designers ang nagdadamit sa mga artista roon.

Isang example na sikat ang Pinoy fashion designers sa Hollywood ay ang press release na ipinadala sa akin kahapon.

“A Filipino designer can now boast of dressing Princess Leia. It happened on stage at the 2015 SAG Awards when actress Carrie Fisher, who played the iconic character in the Star Wars films, wore an Oliver Tolentino gown in a lengthy segment where she humorously presented her mother, screen legend Debbie Reynolds, with SAG’s 51st Life Achievement Award.  Her mother is best known for her role in Singin’ in the Rain.

“Fisher looked elegant in a black silk chiffon, empire-cut gown by Tolentino that featured a hand-beaded bodice and beaded lace sleeves.

“Oliver was working out of his Manila boutique last week and arrived back in his Melrose Avenue boutique only days before dressing Fisher for the SAG Awards. For more information on the designer, you may visit www.OliverTolentino.com.”

Personal kong kakilala si Oliver dahil noong nasa The Buzz pa si Ruffa Gutierrez ay ilang beses na rin niyang dinamitan ang TV host/actress.

Ilang beses na rin akong bumisita sa boutique ni Oliver sa Melrose Ave. sa Beverly Hills.

Sa rami ng Hollywood stars na binihisan na ni Oliver, magiging proud ka talaga na kababayan mo siya!

A FILIPINO

ALFREDO BARAZZA

BEVERLY HILLS

CARRIE FISHER

DANIEL PADILLA

DEBBIE REYNOLDS

KARLA

PINOY

TOLENTINO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with