^

PSN Showbiz

Docu movie ni Manny na ipinalabas sa America, walang report sa box-office

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon

Malaki ang possibility na matutuloy sa May 2015 ang pinakahihintay na bakbakan sa boxing ring nina Congressman Manny Pacquiao at Floyd Mayweather, Jr.

Mismong si Papa Manny ang nagsabi sa isang interbyu na 80% na mangyayari nga­yong taon ang paghaharap nila ni Miss Mayweather, Jr.

Ikinatuwa ng boxing fans ang pralala ni Papa Manny. Pati ang mga bigtime boxing fans, na-excite dahil matutupad na ang kanilang dream fight.

Malaki rin ang chance na panoorin ni Prince Harry ang Pacquiao-Mayweather fight. Siyempre, ang Pambansang Kamao ang susuportahan ni Prince Harry dahil fan ito ni Papa Manny at ebidensiya ang kanilang private dinner sa Kensington Palace noong nakaraang linggo.

Hindi pa naglalabas ng report ang US theaters tungkol sa box office result ng Manny The Movie, ang documentary movie tungkol sa pag-uumpisa ng boxing career ni Papa Manny.

Nagbukas sa selected US cinemas ang Manny The Movie noong January 23 pero tungkol pa rin sa box office success ng American Sniper ang laman ng mga balita sa Amerika.

Palabas din sa mga sinehan sa Pilipinas ang American Sniper na blockbuster din dahil sa good reviews ng mga film critic at positive feedback mula sa mga Pinoy na nakapanood sa pelikula ni Bradley Cooper.

Mga dating movie ni Gov. Vi na-restore na

Magkakaroon ng special screening sa susunod na linggo ang restored movies ni Batangas Governor Vilma Santos-Recto.

Excited na ang Vilmanians na mapanood uli ang mga old movie ng Star for All Seasons.

Type ko ang restoration at pag-aalaga na ginagawa sa old movies dahil mabibigyan ang future generation ng pagkakataon na mapanood ang mga classic movie na mahirap nang mapantayan, maulit at bahagi ng golden era ng Philippine  Cinema.

Mga artista parang katapusan ng career nang mag-shut down ang Facebook

Wala akong Facebook account kaya hindi ako affected ng Facebook shutdown na nangyari kahapon sa US at Asia.

Hindi ako kasama sa milyun-milyong tao na alipin ng Facebook at  parang katapusan na ng mundo kahapon dahil hindi nila ma-access ang kanilang mga Facebook account.

Pati ang mga artista, nataranta sa Facebook shutdown dahil parang nakasalalay sa social media ang kanilang mga career at kinabukasan.

May mga natuwa naman sa nangyari, ang mga tao na labag sa kalooban ang pagpapaalipin ng lahat sa modern technology. Mga tao na puwedeng mabuhay at mamuhay ng simple.

Glydel dalawang taon ang bagong kontrata sa GMA

Nag-renew ng kontrata si Glydel Mercado sa GMA 7 kaya mapapanood pa siya sa mga programa ng Kapuso network sa loob ng dalawang taon.

Hindi nagdalawang-isip si Glydel na i-renew ang kontrata sa GMA 7 dahil magaganda ang mga project na ibinibigay sa kanya at higit sa lahat, ne­ver siya na nabakante.

My Husband’s Lover, Rhodora X at Ang Lihim Ni Annasandra ang ilan sa mga project na ginawa ni Glydel sa Kapuso network.

Feeling lucky si Glydel dahil matataas ang rating ng kanyang mga show  sa GMA 7 na home studio niya sa matagal na panahon. Nagsimula sa That’s Entertainment ang showbiz career ni Glydel noong bagets pa siya.

Matatapos na sa susunod na linggo ang Ang Lihim Ni Annasandra pero may bago nang tele­serye na uumpisahan si Glydel. Hindi pa kami sure kung pang-hapon o primetime ang new teleserye.

AMERICAN SNIPER

ANG LIHIM NI ANNASANDRA

DAHIL

FACEBOOK

GLYDEL

MANNY THE MOVIE

PAPA MANNY

PRINCE HARRY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with