Edad ni MJ na 27 hindi na pang-Miss Universe!
Luz Valdez sa Miss Universe 2014 si Mary Jean Lastimosa pero hindi na dapat mag-emote ang kanyang mga supporter dahil ginawa niya ang lahat ng makakaya.
Enough nang nakasali si MJ sa Top 10 contestants at nairampa niya sa buong mundo ang kanyang perfect body na kinaiinggitan ng marami.
Natanggap ni MJ ang pagkatalo kaya dapat na rin itong tanggapin ng mga sumusuporta sa kanya. Hindi pa naman katapusan ng Miss Universe. May mga susunod pa at malaki pa ang tsansa na mag-win ang isang Pilipina.
Ang gown na isinuot ni MJ sa Miss Universe ang sinisisi ng mga baklita. Natalo raw si MJ dahil “chapter” ang evening gown na inirampa niya.
Hindi dapat sisihin ang inosenteng damit. Kung talagang kapalaran ni MJ na manalo, mate-take home niya ang korona kahit ang pinakapangit na damit ang ipinasuot sa kanya.
Lumiit din ang tsansa ni MJ na manalo dahil sa kanyang age na 27. Kung mapapansin ninyo, early 20’s ang karamihan sa mga nananalo ng Miss Universe crown, Bibihira ang mga nagwawagi na late 20’s ang edad.
Manny Pacquiao ginawa ang lahat para KAY MJ?!
I’ m sure, mataas ang mga score na ibinigay ni Congressman Manny Pacquiao kay MJ bilang magkababayan sila pero hindi nag-iisa na judge ang Pambansang Kamao.
May mga iba pa na nagdedesisyon na iba ang taste sa pagpili ng winner.
Hindi tama na sisihin si Papa Manny na siguradong ginawa rin ang lahat para mapasakamay ni MJ ang mailap na Miss Universe title.
Prince Harry gustong tulungan ang mga biktima ng bagyong Yolanda
Nagkuwento si Papa Manny sa mga Filipino TV reporter na nag-cover ng Miss Universe sa Miami, Florida tungkol sa mga napag-usapan nila ni Prince Harry sa private dinner nila sa Kensington Palace noong nakaraang linggo.
Ang sey ni Papa Manny, ang mga biktima ni Typhoon Yolanda ang main topic nila ni Prince Harry. Pinag-usapan nila kung paano matutulungan ang mga kababayan natin sa Leyte na sinalanta ng mapanira na bagyo.
Nakakatuwa ang concern na ipinapakita ni Prince Harry sa mga Pilipino. Wish ko lang, tularan siya ng ibang mga public official na imbes na tulungan ang Yolanda victims, ginagamit pa nila para sa kanilang mga sariling interes at ambisyon.
Liam Neeson narrator ng dokyu movie ni Pacman, pero hindi pa sila nagkikita
Tapos na ang mga obligasyon ni Papa Manny sa ibang bansa kaya malapit na siyang magbalik-bayan.
Tapos na ang mga promo ni Papa Manny para sa Manny, ang kanyang documentary movie na palabas ngayon sa mga sinehan sa Amerika.
Si Liam Neeson ang narrator ng Manny pero alam n’yo ba, na hindi pa sila nagkikita nang personal ni Papa Manny? Looking forward ang Pambansang Kamao na ma-meet in person si Papa Liam na pinanood niya sa Taken 3, one week bago nagbukas sa US theaters ang Manny.
- Latest