Ipinapasa-diyos na lang ang kapalaran, Ruffa hindi pa rin sigurado sa BF
Kabilang si Ruffa Gutierrez sa tututok sa Miss Universe na mapapanood sa ABS-CBN this Monday morning. Kasama ang mga kaibigan, itsi-cheer nila si MJ Lastimosa, ang Philippine representative sa Miss Universe.
Nakikita ni Ruffa na well prepared si MJ sa contest at suporta na lang natin ang kailangan. Pakinggan kaya ng Bb. Pilipinas ang sinabi ni Ruffa at ng mga Pilipino na sana, ang national costume ng mga Miss Philippines ay gawa ng Filipino designer at hindi ng Columbian designer.
“Ang huhusay ng mga Pinoy designer dapat design ng Pinoy ang gown niya sa national costume. Sayang ang chance na maipakita ang husay ng Filipino designer. Ako, I took a stand at sinabi kong I want Ben Farrales to make my gown,” sabi ni Ruffa na nanalong Bb. Pilipinas World 1993 at second runner-up sa 1993 Miss World.
Kahit pala hindi napapanood ng regular si Ruffa sa TV dahil sa It Takes Gutz to be a Gutierrez lang siya napapanood ng regular (sa summer ang airing ng third season), sobrang visible ito sa rami ng ginagawa.
Simula pa lang ang presscon at launching ng Cosmo Skin Premium Collagen sa maraming beses na haharap siya sa press dahil sa March, magre-renew siya ng kontrata sa Cosmo Skin and another presscon uli ‘yun.
May ilu-launch din siyang app next week at sa March naman ay may launch ng Love Collection clothes for kids at collaboration nila ni Rajo Laurel. Katulong dito ang mga anak niyang sina Lorin at Venice sa pagde-design ng damit para sa mga bata.
Sa June, ilalabas naman ang book na isinulat ni Ruffa na hindi pa sinabi kung ano ang title at topic. Half of the year pa lang ‘yun, watch out for the remaining six months of 2015 kung ano pa ang sorpresa niya.
Sa mga nagtanong ng kanyang love life, sagot ni Ruffa, hindi niya priority ang love life niya at hindi niya hinahayaang maapektuhan nito ang trabaho niya. Dagdag pa nito, hindi niya binibitbit ang BF na si Jordan Mouyal sa kanyang trabaho. Hindi pa nga niya alam kung si Jordan na ang guy for her. Ang Diyos at ang time lang daw ang makakaalam.
Magkatulong pala sina Ruffa at Niño Bautista at Red Gatus ng Bargn Farmaceutici Phils. Co (BFPC) sa pagpapaliwanag sa good effect sa katawan ng Cosmo Skin Premium Collagen. Exclusive itong mabibili sa Watson’s for P120 per tube.
Tom umayaw sa trabaho, takot na uling ma-high blood
Hindi na kasama sa cast ng Larawan si Tom Rodriguez, nag-backout ito dahil sa conflict sa schedule. Naurong sa June ang start ng shooting ng movie and by that time, may gagawin nang show sa GMA-7 ang aktor, kaya no choice ito kundi mag-backout.
Matindi ang rehearsal ng movie at hindi kakayanin ni Tom lalo na kung soap ang ibibigay na show ng kanyang network. Ayaw daw nitong maulit ang nangyari noong sabay-sabay ang schedule niya, nagkasakit siya, tumaas ang BP at kung hindi naagapan, baka nagkasakit sa puso.
- Latest