^

PSN Showbiz

Danica at LJ hindi naliligalig kahit wala sa bahay!

SHOWBIZ DRIBBLE - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Gusto ba ninyong magkaroon ng peace of mind tulad ng celebrity moms na sina Danica Sotto and LJ Moreno? Puwedeng-puwede naman palang maging komportable sa loob ng bahay mo, kahit minsan feeling mo hindi ka na safe. Sa mga news kasi na napapanood natin sa TV talagang nakakawindang ang mga nangyayari. Eh ang magagandang misis na ito, walang inaalala. Dahil may secret sila behind absolute peace of mind kahit umaalis sila sa kanilang mga bahay na naiiwan ang kanilang mga tsikiting. PLDT Home has launched a new gadget na makakatulong na ma­ging safer, more secure, and better connected ang inyong tahanan.

Ito ang Fam Cam  - a home monitoring camera that transmits live footage sa inyong mobile devices using PLDT Home DSL connection. More than surveying one’s house, sa pamamagitan ng Fam Cam lagi kang in touch sa iyong pamilya kahit malayo or kahit nasa abroad ka pa.

At ito ang reason kaya kahit busy ang ilang celebrity moms, nagpapasalamat sila sa Fam Cam sa groundbreaking service na tumutulong sa kanila na bantayan ang kani-kanilang pamilya kahit nasaan pa sila. “The Fam Cam is such a brilliant kind of service. For as low as P99 a month, we have peace of mind,” sabi nina Danica and LJ.

Sa Telpad (monitor na gagamitin), wala silang nami-miss na moment sa kanilang mga anak kahit busy sila sa kani-kanilang trabaho. Si Danica ay isang chef at may time na nagtuturo siya ng cooking lesson sa grade school sa isang international school sa Quezon City. Si LJ naman ay may business na         cupcakes. Kaya talagang pareho silang abala bukod pa siyempre sa pagiging misis ng mga sikat na basketbolista.

Ang basic Fam Cam is available on PLDT Home DSL Plan 1299 and up, for as low as P99 a month on top of your DSL bill while the advanced Fam Cam is only P499 a month. And as an added treat if you get Fam Cam and Home DSL subscription during the family-sized sale from January 13 to February, makakakuha kayo ng two months free of Fam Cam.

Mayor Erap nagsusulat ng libro, mga bilang ng babae at mga naging anak inaabangan kung isasama

Tumangging bigyan ng Amerika ng US visa si Manila Mayor Joseph Estrada noong 2008 kaya mula noon ay hindi na raw nagbibiyahe sa Estados Unidos ang dating pangulo.

Ito ang inihayag ni Mayor Estrada sa panayam sa kanya ni Prof. Solita Monsod sa Manila City Hall.

Ayon kay Mayor Erap, ang hindi pagbibigay sa kanya ng US visa ay maaring dahil sa naging utos niya noon na “all out war” laban sa Moro Islamic Liberation Front (MILF) noong Marso 2000.

Ipinaalam daw sa kanya ni Defense Secretary William Cohen ang kahilingan ng noon ay US President Bill Clinton na kung maari ay huwag ituloy ang malawakang opensiba laban sa MILF. “I cannot recall my order,” ang sagot daw ni Estrada sa opisyal.

Maaring ito raw ang dahilan kung kaya hindi siya binigyan ng visa. Mula noon daw ay hindi na siya nagtangka pang kumuha ng visa para magbiyahe sa Amerika.

Sa ngayon ay sinisimulan na raw ni Mayor Estrada ang pagsusulat ng kuwento ng kanyang buhay. Kabilang daw sa magiging bahagi nito ay ang sa paningin niya ay ilegal na pag-alis sa kanya sa puwesto noong 2001.

Wait isama rin kaya ni Erap sa nasabing libro ang bilang ng mga naging girlfriend niya at ang official number ng kanyang mga anak?

Anyway, ikinatuwa naman ng alkalde ang naging paborableng desisyon ng Korte Suprema sa disqualification case na inihain laban sa kanya ni dating Manila Mayor Alfredo Lim at ng abogadong si Alicia Risos-Vidal.

Sa harap ng desisyong ito, tatakbo pa kayang muli si Mayor Estrada bilang alkalde, o tutuparin niya ang pangako niya sa kanyang bise-alkalde, Isko Moreno, na susuportahan niya ito bilang kandidato sa pagka-alkalde sa 2016?

Alamin ang sagot sa mga ito sa Bawal ang Pasaway kay Mareng Winnie ngayong Lunes, 10:15 ng gabi sa GMA News TV Channel 11.

ALICIA RISOS-VIDAL

CAM

FAM

FAM CAM

MAYOR ERAP

MAYOR ESTRADA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with