^

PSN Showbiz

Isabel naisukat na ang Vera Wang wedding gown

RATED A - Aster Amoyo - Pilipino Star Ngayon

Sa recent vacation sa Los Angeles, California ng engaged couple na sina John Prats at Isabel Oli, nakapag-sukat na si Isabel ng kanyang Vera Wang wedding gown na siyang wedding present sa kanya ng kanyang fiancé.

Sina John at Isabel ay nakatakdang ikasal sa buwan ng Mayo sa isang farm sa Batangas na pag-aari mismo ng pamilya Prats.

September 2014 nang mag-propose si John kay Isabel sa pamamagitan ng isang flash mob proposal sa Eastwood City in Quezon City.

Ang nakababatang kapatid, ang actress-TV host na si Camille Prats ay isa sa abala sa wedding preparations nina John at Isabel.

Atom parang superstar sa Tacloban!

Alam mo, Salve A., hindi ko pa rin malimutan ang naging karanasan namin noong nakaraang Linggo sa Tacloban. Pabalik na kami at naglalakad sa kahabaan ng national road ng San Roque ga­ling sa Papal mass sa open grounds ng Daniel Z. Romualdez Airport nang marinig namin ang tilian ng isang grupo. Na-curious kami kaya ito’y aming tiningnan at nakita namin na pinagkakaguluhan ang ABS-CBN field reporter na si Atom Araullo na basang-basa rin ng ulan.

Naging instant `star’ si Atom sa Tacloban at sa Leyte dahil sa kanyang on site reports ng typhoon Yolanda noong nakaraang taon.

Habang binabagtas namin ang kahabaan ng kalye pabalik sa bahay ng Anaheim-based concert producer na si Tito Al Chiu, nadaanan namin ang isang naka-park na sasakyan sa gilid ng kalye na namimigay ng libreng bottled water at mga tsitsirya kaya tuwang-tuwa ang mga taong naglalakad.

Dahil sa kapal ng tao sa ginanap na misa na pinangunahan ng mahal na Santo Papa, naranasan naming dumaan sa maputik na pilapil para tuluy-tuloy ang aming paglalakad na umabot din ng halos dalawang oras.

vuukle comment

ATOM ARAULLO

CAMILLE PRATS

DANIEL Z

EASTWOOD CITY

QUEZON CITY

ROMUALDEZ AIRPORT

SALVE A

SAN ROQUE

SANTO PAPA

TACLOBAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with