Lumabas na rin ang kaberdehan: Premyadong aktor na nasa kalendaryo ang pangalan, suki na sa inuman sa kanilang lugar
Isang pamilyar nang mukha ngayon sa isang magulong lugar sa isang mataong lunsod ang isang premyadong aktor. Madalas siyang makitang nakikipagsabayan sa pakikipagtomaan sa mga kalalakihan du’n.
Hindi na siya bago sa paningin ng mga tagaroon, may ilang buwan na kasi siyang regular na nakikitang nakikipag-inuman sa kalye, hindi maipagkakamali ang kanyang itsura dahil nabigyan din siya nu’n ng pagkakataong makilala.
Magaling siyang umarte, minsan ay nabigyan pa nga siya ng oportunidad na gampanan ang mapaghamong papel ng isang bayani, kaya maraming nanghihinayang sa kinauwian ng kanyang karera.
Kuwento ng isang source, “Wala na ba siyang ginagawang pelikula ngayon? Ilang buwan na kasi siyang palaging nakatambay lang sa lugar na ‘yun, palaging lasing, nakikipagsabayan siya sa pagtoma sa mga tagaroon.
“Guwapo pa rin naman siya, pero hindi lang siya malinis tingnan, pagkatapos niyang makipag-inuman, e, nakikitulog na lang siya sa kung saan-saan du’n!” komento ng aming impormante.
May mga nang-uusisa rin kung may kaberdehan ba ang dugo ng premyadong aktor, may mga pagkakataon daw kasing lumalambot ang kanyang mga galaw, miyembro na rin daw ba ng federacion ang morenong aktor?
“Parang lumambot bigla ang kilos niya, malayo na ang porma niya sa guwapo at mabikas na lalaki nu’n, ‘yun kaya ang dahilan kung bakit puro trabahador ang gustung-gusto niyang kainuman palagi?
“Marami siyang kuwentong hindi kapani-paniwala kapag lasing na lasing na siya. Nu’ng minsan daw niyang nakatrabaho sa isang project ang pinakaguwapong pinagdududahang papa sa showbiz, e, gusto raw siyang i-take home.
“Nakapanghihinayang ang career niya, sumobra na yata ang depression niya, kaya nagkakaganyan na siya. Ang ganda pa naman ng tunog ng name niya, machung-macho, nasa kalendaryo ang pangalan niya,” pagsasarado sa kuwento ng aming source.
Ubos na ubos!
Kaya pati abogado kumalas na?: Mga kuwento ni Claudine hindi na raw pinaniniwalaan
Nagbitiw na bilang abogado ni Claudine Barretto si Attorney Ferdinand Topacio. Pero may pasubali ang anunsiyo ng abogado, ang binitiwan lang nito ay ang mga criminal cases ni Claudine, ang kasong isinampa ng aktres laban kay Raymart Santiago (R.A. 9262-VAWC) ay ang kanyang bopete pa rin ang hahawak.
Maraming naguluhan sa senaryo. Sunud-sunod na tanong na hindi namin malapatan ng sagot ngayon tungkol sa desisyon ni Attorney Topacio na bitiwan na ang maraming kasong criminal ng aktres.
Nagkaroon kaya sila ng hindi pagkakaunawaan? Nasaktan kaya ang tagapagtanggol ni Claudine sa hindi man lang niya pagsipot sa selebrasyon ng kaarawan ng kanyang abogado ilang buwan na ngayon ang nakararaan?
Napakababaw naman yatang dahilan nu’n. Hindi lang dumalo sa party, bibitiwan nang kliyente, kaya mas marami ang naniniwala na may malalim na dahilan ang pagbibitiw ni Attorney Ferdie Topacio bilang lawyer ni Claudine.
Kung aanalisahin ay masalimuot ang kuwento. Nahihinaan kaya si Claudine sa kapasidad ng kanyang abogado? Hindi na kaya kinaya ni Attorney Topacio ang pinaggagagawa ni Claudine ngayon?
Napagtanto kaya ng abogado na puro imbento lang ang kuwento ni Claudine laban kay Raymart Santiago? Ano nga kaya ang malalim na dahilan para umatras na ang abogado sa pagtatanggol sa kanyang kliyente?
Annnnoooooooo????
- Latest