MJ Lastimosa nanguna sa swimsuit competition, Diyosa walk bumenta
PIK: Maayos na raw ngayon magsalita si Kuya Germs dahil sa magandang response nito sa therapy na ginagawa sa kanya.
Hindi nga lang daw ito puwede pang dalhin sa Amerika para ituloy ang pagpapagamot dahil hindi pa siya puwede sa mahabang biyahe.
Hindi pa rin daw siya nakakalakad nang maayos, pero nakikita ang mabilis na improvement nito.
Dapat ay isi-celebrate ng Walang Tulugan with the Master Showman ang kanilang anniversary sa susunod na buwan, pero hindi raw muna nila ito itutuloy dahil gusto nilang kasama si Kuya Germs sa celebration ng kanilang anibersaryo.
PAK: Extended daw hanggang April o mas matagal pa ang latest na narinig namin tungkol sa The Half Sisters.
Baka nga raw umabot pa ito ng June ang serye ng GMA dahil may matindi silang pasabog sa bagong karakter na papasok.
BOOM: Lalong nabuhayan ng loob ang mga Pinoy at fans ni MJ Lastimosa dahil sa magandang performance nito sa pre-pageant kahapon.
Siya ang nag-top sa swimsuit competition pero hindi siya nakapasok sa evening gown. Pero wagi si MJ sa style ng pagrampa niya na ang tawag nila ay Diyosa walk.
Kung may tsunami walk si Shamcey Supsup at Cobra walk si Janine Tugonon, may pauusuhing Diyosa walk naman si MJ.
- Latest