^

PSN Showbiz

Pakiusap kay John Lloyd Angelica ayaw sa magarbong proposal

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon

Dalawang taon nang magkasintahan sina Angelica Panganiban at John Lloyd Cruz. May bulung-bulungan na napag-uusapan na rin daw ng dala­wa ang pagpapakasal at minsan ay nagkakabiruan sila tungkol sa bagay na ito. “Hindi pa, minsan nagsusukat ako ng mga sing­sing ganun tapos sasabihin ko, ‘Ay! Ito pala ‘yung size ko,” nata­tawang bungad ni Angelica.

Maraming nangyaring mga engagement at kasalan sa showbiz noong isang taon. Mas gusto raw ng aktres na maging simple at pribado na lamang kung sakaling mag-propose sa kanya si John Lloyd.

“Feeling ko kasi mas malapit kayo sa isa’t isa ‘pag kayo lang, sincere. Hindi ko si­na­sabing hindi sincere ‘yung mga nagte-televise ha, pero ‘yung opi­nion ko, mas gusto ko na intimate lang. Pamilya, ganun, mayayakap mo agad ang pamilya mo, hindi ‘yung parang ‘Nasaan, nasaan?’ Medyo mas gusto ko ang ganun. Hindi naman ako against, parang mas so­lemn lang kapag kayo lang. ‘Yun lang naman ang point ko. Kung gusto niya kahit saan, ang importante nag-propose. Hindi ako choosy,” paliwanag ng aktres.

Nakikita raw ni Angelica na magiging katawa-tawa kung sakaling mag-propose na sa kanya ang aktor. “Feeling ko magbe-breakdown ako ‘yung ga­no’n. Parang ‘di ba ang ganda ng mga itsura nila, ‘yung kay Marian (Rivera), ‘yung kay Isabel (Oli). ‘Yung composed lang sila tapos iiyak lang sila, tapos ang gaganda nila. Feeling ko kapag ako ‘Oh my God!’ Ewan ko, comedy siguro ang dating,” pagtatapos niya.  

Alden magbabayad muna ng bahay

Personal na desisyon daw ni Alden Richards na huwag munang makipagrelasyon sa ngayon dahil sa bagong bahay na kanyang binili para sa pamilya.“Kasi bumili ako ng bahay, uunahin ko mu­na ‘yun kasi we’re renting ngayon. Sinabi ko naman na hopefully love life is 2015, kung may dumating why not? Since I bought a new house for my fami­ly nandoon ang focus ko ngayon para at least sa second quarter of the year makalipat na kami. Kapag na-settle ko na si­guro, ‘pag relaxed na sila, pwede na ako mag-set ng other priorities na sine-set aside ko before,” paliwanag ni Alden. Reports from James C. Cantos                                                                                          

AKO

ALDEN RICHARDS

ANGELICA PANGANIBAN

JAMES C

JOHN LLOYD

SHY

YUNG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with