AiAi inayawan na talaga ang pulitika, tutulong na lang sa mga nangangailangan
Kilos Kaayusan ang pangalan ng bagong advocacy ni AiAi Delas Alas. Sa pangalan pa lang, may kinalaman sa disiplina ang project na pagkakaabalahan ni AiAi na wala nang planong pasukin ang magulong mundo ng pulitika.
Kuntento na si AiAi na tulungan ang mga nangangailangan at sa pamamagitan nga ito ng Kilos Kaayusan na magkakaroon ng grand launch sa isang venue na kayang-kayang maka-accommodate ng anim hanggang pitong milyong Pilipino.
Pope Francis hindi makalimutan ang mga Pinoy
Walang kapaguran si Pope Francis dahil nakipag-meet and greet agad siya sa mga tao sa Vatican City isang araw matapos dumating sa Roma mula sa kanyang 5-day visit sa bansa natin.
Ikinuwento ni Pope Francis sa meet and greet ang mainit na pagtanggap sa kanya ng mga Pilipino.
Unforgettable talaga para sa Santo Papa ang pagdalaw niya sa Pilipinas. Sure na sure ako na mauulit pa ang kanyang pagbisita sa ating bansa dahil sa pagmamahal na natanggap at naramdaman niya mula sa sambayanang Pilipino.
Mary Jean kailangan ng matinding suporta
Pagkatapos ipagbunyi ang Santo Papa, ang beauty queen na si Mary Jean Lastimosa ang ipinagbubunyi ng mga Pinoy.
Kailangang-kailangan ni Lastimosa ang moral support ng ating mga kababayan dahil ginagawa niya ang lahat para masungkit ang mailap na Miss Universe crown.
Hoping ang mga Pinoy na kung hindi makuha ni Lastimosa ang beauty title, maging runner-up man lamang sana siya para hindi mabale-wala ang mga paghahandang ginawa niya.
Mother Lily feeling blessed dahil kay Kris
Maraming kuwento si Mother Lily Monteverde tungkol sa pagtatagpo nila ng Santo Papa sa Malacañang Palace noong Biyernes.
Umaga pa lang (7:30 a.m.), nagpunta na si Mother sa Malacañang Palace para hintayin si Pope Francis. Nag-almusal daw si Mother at ang ibang mga bisita sa Malacañang at after lunch na nang mag-babu siya sa palasyo.
Feeling so blessed si Mother Lily dahil sa close encounter nila ni Pope Francis. Nagpapasalamat si Mother kay Kris Aquino dahil ito ang instrumento kaya nakita niya nang malapitan si Pope Francis.
Mayor Erap nagsalita na sa magiging kapalaran ni Isko
Dedma ang supporters ni Mayor Joseph Estrada sa isyu na hindi na siya puwedeng kumandidato bilang pangulo ng Pilipinas sa 2016.
Mas mahalaga sa mga supporter ni Papa Erap ang pagbabasura ng Supreme Court sa disqualification case at ang pagpapatuloy ng paglilingkod niya bilang alkalde ng Maynila.
Hindi ma-imagine ng loyal supporters ni Papa Erap ang puwedeng mangyari kung pinatalsik siya sa puwesto.
Sa ngayon, nagpapasalamat sila sa naging desisyon ng Supreme Court with matching promise na susuportahan nila ang lahat ng mga project ni Papa Erap para sa ikauunlad ng Maynila dahil alam nila na last term na niya. Nagsalita na nang tapos si Papa Erap na ang kanyang Vice-Mayor na si Isko Moreno ang next mayor ng Maynila.
- Latest