^

PSN Showbiz

Ricky Reyes maraming pangakong pagpapaganda!

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Ano ba ang sikreto kung bakit nananatiling popular at maraming manonood  ang lifestyle program ng GMA News TV na Gandang Ricky Reyes Todo Na Toh (GRR TNT)?

“Masisipag ang researchers ng show. Pihikan ang televiewers.  Ayaw nila nang isyung paulit-ulit o kinopya sa ibang programa.  Walang sikreto.  Wala ring sinusunod na formula,” sabi ng host-producer ng GRR TNT na si Mader Ricky Reyes.

Kung ano ang gusto ng viewers ay ‘yun ang sinisikap ibigay ng  show.  Dahil dito’y nagkamit na ng maraming karangalan si Mader at ang kanyang programa.

Nag-aanyaya pa siya sa mga manonood na sumulat at ihingi ng payo ang mga problema.  Tulad ngayong Sabado alas-nuwebe hanggang alas- diyes ng umaga, bibigyan-lunas ang pagkalugas at pagkakalbo ng buhok ng isang ginoo, pagpa-plastic surgery ng isang babaeng nalapnos ang anit at nasunog ang mukha  nang maging biktima sa isang aksidente.

Sa segment na Make Over Magic ay nagagawang magandang prinsesa ang isang babaeng pangit at kinukutya ng mga nakakakita.  Dati’y ang Gandang Ricky Reyes Salon ang unang nagbigay ng pag-uunat ng super-kulot na buhok na tinawag na Rebond.  Ang Recond ngayo’y tinagurian Regold matapos haluan ng ibang uri ng kemikal na inangkat pa sa ibang bansa ang ginagamit sa proseso.

Sa taong ito’y abangan ang marami pang pagbabago sa daigdig ng kagandahan, kalusugan at kabuhayan na ihahatid ng GRR TNT na produksyon ng ScriptoVision.

 

vuukle comment

ANG RECOND

ANO

AYAW

DAHIL

GANDANG RICKY REYES SALON

GANDANG RICKY REYES TODO NA TOH

MADER RICKY REYES

MAKE OVER MAGIC

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with