^

PSN Showbiz

Iñigo na-develop na kay Julia

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Paglalapitin na muli ng tadhana ang mga karakter ng showbiz royalties na sina Julia Barretto at Iñigo Pascual sa pagpapatuloy ng kanilang Wansapanataym special na Wish Upon A Lusis ngayong Linggo (Enero 25). Sa kabila ng pagtutol ng kanyang ama, gagawin pa rin ni JP (Iñigo) ang lahat upang makita muli ang babae na bumihag sa kanyang puso na si Joy (Julia). Paano magbabago ang pagtingin ni JP para kay Joy sa oras na malaman niya ang tunay nitong pagkatao at ang hiwaga ng “magic lusis” na dahilan ng kanilang pagkikita? Tampok din sa Wansapanataym Presents Wish Upon A Lusis sina Susan Africa, Perla Bautista, Bobby Andrews, Miguel Vergara, Eunice Lagusad, Kazumi Porquez, Daisy Reyes, at Ana Roces. Huwag palampasin ang pagpapatuloy ng Wansapanataym special nina Julia at Iñigo ngayong Linggo, sa ganap na alas-6:45 ng gabi pagkatapos ng Goin’ Bulilit  sa ABS-CBN.

 

ANA ROCES

BOBBY ANDREWS

DAISY REYES

EUNICE LAGUSAD

JULIA

JULIA BARRETTO

KAZUMI PORQUEZ

LINGGO

MIGUEL VERGARA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with