^

PSN Showbiz

Mga Pinoy Miss U naman ang inaabangan!

RATED A - Aster Amoyo - Pilipino Star Ngayon

Pagkatapos ng makasaysayang five-day visit ng Santo Papa sa Pilipinas, looking forward naman ang mga Filipino sa Miss Universe pageant sa darating na Linggo (Lunes ng umaga sa Pilipinas) para sa coronation night ng ika-63rd Miss Universe kung saan ang kinatawan ng Pilipinas ay ang computer engineering graduate na si MJ Lastimosa.

Isa si People’s Champ Rep. Manny Pacquiao sa mga tatayong hurado at naniniwalang malakas umano ang laban ni MJ na masungkit ang korona na hanggang ngayon ay mailap pa rin sa Pilipinas since 1973 kung saan ang pangalawang Filipina Miss Universe ay si Margie Moran.

Tacloban naghihintay pa rin ng tulong

Alam mo, Salve A., hindi pa rin kami maka-get over sa naging personal naming karanasan sa Tacloban City para sa Papal mass na ginanap sa open grounds ng Daniel Z. Romualdez Airport ng nasabing siyudad.

Bumigay man ang suot kong rubber shoes dahil sa malayong nilakad at pagkababad nito sa tubig, never kaming nakaramdam ng pagod at ginaw.

Overwhelming ang nararamdaman ng lahat nang makita at masilayan ang mahal na Santo Papa lalo na noong nagmimisa na siya.

Samantala, nasa unahan man ang upu­an ng dating Unang Ginang at Rep. Imelda Romualdez-Marcos katabi ang First Lady ng Tacloban na si Councilor Kring-Kring Gonza­les-Romualdez, hindi sila nagkaroon ng pagkakataon na makadaupang-palad ang Santo Papa. Tama na sa kanila na nakita at nakadalo sila sa misa ni Pope Francis.

It was our first trip sa Tacloban City matapos ang trahedya ng November 8, 2013 dahil sa bagyong Yolanda.

Fourteen months after the devastating typhoon, marami pa rin sa kanila ang hindi pa rin nakakabangon. Marami pa ring business establishments ang hindi pa nakukumpuni hanggang ngayon at marami pa ring kabahayan ang hindi na nanumbalik sa dati.

Napuntahan din namin ang dalawa sa apat na magkakaibang barko na sumadsad sa tuyong lupa na ang isa ay na-chop-chop na ng mga tao.

Mahabang taon siguro ang kakailanganin bago maibalik sa dati ang Tac­loban City na siyang sentro ng kabuhayan ng Eastern Visayas.

Habang normal na ang pamumuhay ng marami sa Tacloban, marami pa rin sa kanila ang naghahangad ng tulong mula sa pamahalaan. Marami pa rin sa kanila ang nakatira sa make-shift shanties na kahit sa isang mahinang bagyo ay bibigay. Pero ang nakakatuwa lamang sa mga taga-rito, sa kabila ng unos na kanilang naranasan noong bagyong Yolanda ay natuto silang bumangon at muling makipagsapalaran sa buhay. At ang pagbisita sa kanila ng Santo Papa ay napakalaking inspirasyon sa kanilang pagba­ngon.

 

CHAMP REP

COUNCILOR KRING-KRING GONZA

DANIEL Z

EASTERN VISAYAS

MISS UNIVERSE

PILIPINAS

SANTO PAPA

TACLOBAN

TACLOBAN CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with