^

PSN Showbiz

Actress-TV host nadelubyo ang buhay, kinabibilibang Feng Shui expert santambak ang demanda!

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Dati’y mabentang-mabenta ang mga produkto ng isang babaeng may malalim na kinalaman sa mga magaganap sa isang buong taon ayon sa feng shui.

Nagtataka ang marami kung bakit mukhang nananahimik na siya ngayon, tumigil na ba siya sa pagpu-feng shui, nagkaroon ba siya ng problemang personal?

Hindi na rin siya napapanood sa TV show ng isang aktres na matindi ang paniniwala sa mga sinasabi-ipinapayo sa kanya ng babae. May problema ba?

“Naalala n’yo ang nangyari nu’n? Ipinasarado niya ang front door ng house nu’ng actress-TV host, puro palabas daw kasi ang biyaya nila, sa likod na lang daw sila dumaan dapat.

“So, dahil naniniwala nga ang actress-TV host sa mga sinasabi ng kanyang feng shui adviser, ginawa niya naman ‘yun, ipinasarado niya ang front door at sa likod na lang ng bahay sila dumaraan.

“Marami pang pinaalis at ipinatibag na parte ng bahay ang babae, sunod lang naman nang sunod ang kanyang kliyente, hanggang sa isang araw.

“Sa kadadaan nila sa likod ng bahay, naospital ang kanyang mga anak, na-dengue, dahil meron palang waterfalls du’n na hindi na ginagamit pero may tubig pa rin na tinirhan ng mga lamok.

“Nagkahiwalay rin silang mag-asawa, umalis ang lalaki sa house, parang hindi umepekto ang sinabi ng feng shui expert sa actress-TV host dahil kung anu-ano ang mga nanagyaring hindi maganda sa kanyang personal na buhay,” kuwento ng aming source.

Isang impormante naman ang nagkuwento na sumabit daw sa isyung pampinansiyal ang feng shui expert, nagkaroon siya ng mga kaso, ‘yun diumano ang dahilan kung bakit hindi na siya masyadong aktibo ngayon sa kanyang propesyon.

“Tingnan mo nga naman. Ang dami-dami niyang ibinebentang mga bracelet at kung anu-ano pang pangontra sa masasamang ispiritu, pero hindi niya nahulaan ang mga kasong isinampa laban sa kanya,” napapailing na komento ng aming source.

Ubos!

Matagal-tagal ding nabulag at bumagsak ang katawan: April ‘Boy’ nakakakita na uli, tumaba na rin!

Matindi ang pinagdaanan ng Jukebox King na si April “Boy” Regino nu’ng nakaraang taon. Dineklara ng kanyang mga doktor na cancer-free na siya (prostate cancer), pero nagkaroon naman siya nang matinding problema sa mata, dalawang klase ng eye operation ang kinailangan niyang pagdaanan para huminto ang pagdurugo ng magkabila niyang mata.

‘Yun ang mga panahong problemado ang kanyang misis na si Madel, pati ang kanyang mga anak na sina JC at Charmaine ay palagi ring nakatabi sa Idol ng Bayan, sila ang pinaghuhugutan ng lakas ng loob ng sikat na singer.

Matagal na gamutan ang pinagdaanan ni April Boy, hanggang sa isang araw ay nagbalik din ang kanyang paningin, nagpapalakpakan ang kanyang mag-iina kapag nababasa na niya ang mga letrang itinuturo ng kanyang eye specialist.

“Palagi pong may prayer meeting sa bahay namin, naniniwala po kaming may magagawa ang mga doktor ni April, pero mas mapapadali po ang paggaling niya sa tulong ng Diyos,” kuwento ni Madel.

Nangayayat nang husto si April Boy, sa mga nakita na­ming retrato niya nu’n ay parang numipis nang todo ang kanyang katawan, pero ngayon ay nakapagdagdag na siya ng timbang.

“Saka nakapagbabasa na po siya ngayon, may nakikita na siya sa paligid, unlike nu’n na talagang walang-wala siyang nakikita. Araw-araw po siyang nagtitimbang, mataba na siya, padagdag na nang padagdag ang weight niya,” masayang pagbabalita ng misis ng Jukebox King.

Isa pang nagpadali sa pagbabawi ng lakas ni April “Boy” Regino ay ang walang patlang niyang paggamit ng Sante Pure Barley, matindi ang kanyang paniniwala sa produktong nakatulong din nang matindi sa paggaling ng kanyang prostate cancer, hindi niya ‘yun itinigil nang magkaproblema siya sa mga mata.

“May mga gamot pong binago habang maysakit siya, pero hindi niya po itinigil ang pag-inom ng Sante’ Pure Barley. Malaking-malaki po ang naitulong sa kanya nu’n dahil organic ang Barley,” kuwento pa rin ni Madel.

vuukle comment

APRIL BOY

JUKEBOX KING

KANYANG

MADEL

MATAGAL

NIYA

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with