^

PSN Showbiz

Mga taga-Tacloban walang tigil ang pasasalamat sa pagsagasa sa bagyo ng Santo Papa

RATED A - Aster Amoyo - Pilipino Star Ngayon

Overwhelming ang aming naging personal experience nang kami ay magtungo ng Tacloban City para dumalo sa Papal mass na ginanap sa open grounds ng DZR Domestic Airport nung umaga ng Sabado, January 17.

Isang araw bago ang Papal mass sa Taclo­ban ay lumipad na kami patungong Tacloban at nakitira kami sa bahay ng aming kamag-anak, ang Anaheim-based concert producer na si Tito Al Chu na one-hour walk away sa airport na pinagdausan ng misa.

Pagkalapag namin ng DZR Domestic Airport ay nakasalubong na namin ang dagsa ng mga tao na tuluy-tuloy na nagsidatingan para mag-vigil at hintayin ang misa kinabukasan ng umaga.

Alas-5:45 ng umaga ay nagsimula na ka­ming mala­kad patungong airport grounds para sa Pa­pal mass. Ang aming pagka­ka­mali, wala kaming dalang kapote o anumang pa­nang­ga ng ulan at nag­ti­yaga kaming gumamit ng gar­bage plastic para pantakip sa aming ulo habang ang ibang bahagi ng aming katawan ay basang-basa. Pero hindi namin alintana ang ginaw ganoon din ng libu-libong naroon para tunghayan ang isang ma­hi­malang misa ng Mahal na Santo Papa.

Hindi pa man dumarating ang eroplanong kinalululanan ni Pope Francis ay nagkaroon ng agam-agam na hindi siya makarating dahil sa bagyong Amang na unti-unting lumalakas. At that time ay signal no. 2 na ang Tacloban. Malakas ang hangin at walang tigil ang pag-ulan pero hindi ito nakaapekto sa excitement ng mga tao na matunghayan ang Mahal na Santo Papa sa unang pagkakataon.

Nang makita sa himpapawid ang eroplano kung saan nakasakay si Pope Francis, nabuhayan ang mga tao at sabay-sabay na nagsigawan sa sobrang tuwa. At kahit sa gitna ng nagsusungit na panahon ay hindi nagpapigil ang Santo Papa sa kanyang pa­nga­ko sa mga Taclobanons na naging biktima ng matinding bagyong kumitil ng libu-libong tao.

Nang finally umakyat sa entablado si Pope Francis matapos itong mag-ikot sa iba’t ibang quadrants, kakaibang high ang naramdaman ng mga tao. Hindi pa rin sila makapaniwala na nakikita nila sa kanilang harapan ang Santo Papa na nakasuot ng dilaw na kapote na siya ring suot ng karamihan.

Nakita ng Santo Papa na hindi natinag ang mga tao kahit basang-basa at tumitindi ang malakas na ha­ngin at ulan sanhi ng bagyo. Ginawa niya ang kan­yang homily sa salitang Español dahil ayaw niya ng scripted homily, pero may katabi siyang mahusay na paring interpreter na isinasalin sa wikang Ingles ang kanyang mga sinasabi. 

Mula sa puso ang mensahe ni Pope Francis at hu­mingi pa siya ng paumanhin sa mga Taclobanon na 14 na buwan ang kanyang pinalipas bago siya na­karating ng Tacloban. 

Binigyan ng emphasis ni Pope Francis sa kanyang homily ang mga mahihirap at mga biktima ng bagyong Yolanda na kung tutuusin ay siyang sentro ng kanyang pagbisita sa Pilipinas.

Pagkatapos ng mahigit isang oras na misa, mu­ling umikot sa mga basang-basang tao bago tumuloy ang pope mobile sa Palo, Leyte kung saan na cut short ang kanyang pananatili sa nasabing lugar dahil sa bagyo. Dapat sana’y alas-5 pa ng hapon ang alis ng Santo Papa sa Tacloban pero napaaga ito ng apat na oras dahil sa advise ng piloto ng eroplanong kanyang sinakyan. Nabigla man ang mga taga-Palo, Leyte, masaya na rin sila dahil nakarating pa rin ang Mahal na Santo Papa sa kanilang lugar kahit sandali lamang itong nanatili sa Palo Cathedral. 

Hindi man namin nalapitan ang Santo Papa, ka­ka­ibang experience naman ang aming naramdaman at nasaksihan na hinding-hindi namin makakalimutan habang-buhay.

DOMESTIC AIRPORT

PAPA

POPE FRANCIS

SANTO

SANTO PAPA

SHY

TACLOBAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with