^

PSN Showbiz

Bukod pa sa komisyon, TF binubulsa pala child star pinagkakitaan ng tiyahing manager

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Dahil marami na namang sumusulpot na child stars ngayon ay biglang naalala ng mga manunulat sa isang umpukan ang naging buhay ng isang child actress nu’n na nagkapangalan dahil sa husay niyang umarte.

Walang alam sa pananalapi ang bata, ni hindi nga niya alam na binabayaran pala ang ginagawa niyang pag-iyak-iyak sa telebisyon at pelikula, tiyahin ng child actress ang namamahala sa kanyang career.

Kuwento ng isang reporter sa umpukan, “’Yung tita niya ang tumayong ma­nager niya, sumasama-sama lang sa set ang mommy niya, pero ang tiyahin niya talaga ang nagpapatakbo ng career niya.

“Kunwari, fifty thousand ang talent fee niya sa movie, palalabasin ng tita niya na twenty lang, tapos, mula sa twenty thousand na ‘yun, du’n pa siya kukuha nang twenty percent na commission niya as manager.

“So, halos wala na ring natitira sa bata, napupunta na lang sa tita niya. Pero wala talagang lihim na naitatago nang matagal, may inasikaso ang tita ng child actress, mommy niya ang nasa dressing room kasama ang anak niya.

“Tiyempo namang dumating ang field cashier ng production, pinapipirmahan ang voucher, 50 thousand ang nasa voucher, pero ang sabi ng tita ng child star, e, twenty lang.

“Du’n na nagsimulang sumama-sama ang mommy ng bagets, kasi nga, malaking halaga ang kinakatkong ng tita niya sa talent fee niya,” kuwento ng aming source.

Marami ring nagawang pelikula ang child star, napakalaki ng pakinabang na inani ng kanyang tiyahin, pero sirang-sira naman ang pangalan nito.

“Maraming utang na tinakbuhan ‘yung tita ng child star, inutangan niya ang mommy ng ibang artista, hanggang sa nagtago na lang siya. Ang child star na pamangkin niya, e, balitang tivoli na ngayon. Tibo na siya,” pagsasarado sa kuwento ng aming impormante.

Ubos!

Winwyn minamanok na manalo sa Bb. Pilipinas

Ngayon pa lang ay marami na ang nag-aabang sa kahihinatnan ng magandang anak nina Mayor Joey Marquez at Alma Moreno sa Bb. Pilipinas. Minamanok na ngayon ng ating mga kababayan si Winwyn Marquez.

Bata pa si Winwyn ay marami na ang nagpapayo sa kanya na alagaan ang kanyang katawan, huwag daw siyang magpapabaya sa kanyang legs, dahil pang-beauty queen ang kanyang tindig at hitsura.

Nagkaroon ng saysay ‘yun nang maging teenager na si Winwyn, ang ganda-ganda niya, hindi niya nakuha ang hitsura ni Ness, pero maganda ang resulta ng kumbinasyon nila ni Mayor Joey kay Winwyn.

Dalagang-dalaga na ngayon si Winwyn, puwede nang pakawalan sa rampa, bukod sa kanyang ganda ay kapansin-pansin din ang kanyang talino.

May pagmamanahan si Winwyn dahil ang kanyang Tita Melanie Marquez ay itinanghal na Miss International, napakagaling din nitong modelo, idagdag pa si Ate Via Hoffman na pang-beauty queen din ang dating.

Palaging sinasabi ni Melanie nu’n sa kanyang mga tinuturuang rumampa na lalaban sa international beauty pageant, “Kapag lahat ng mga contestants, e, wine ang hinihingi, ask for milk.” Para raw mapansin ang kalahok, para raw ma­kapang-agaw ng atensiyon ng mga judges, kailangan daw mapaiba ang contestant sa kanyang mga kasabayan.

Malaki ang inaasahan ng mga nag-aabang kay Winwyn Marquez, pangalan pa lang niya ay panalung-panalo na, lahat ng katangian ng isang lulutang sa labanan ay hawak ni Winwyn.

vuukle comment

ALMA MORENO

ATE VIA HOFFMAN

KANYANG

LANG

MAYOR JOEY

NIYA

TITA

WINWYN

WINWYN MARQUEZ

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with