Santo Papa binuhay ang pananampalataya ng mga Pinoy
MANILA, Philippines - Ngayong araw na aalis ng bansa si Pope Francis pabalik sa Rome kaya kahapon pa lang ay marami na ang malungkot.
Pero marami naman siyang naiwang magagandang aral at inspirasyon para sa ating lahat lalo na sa mga kabataan at mga biktima ng bagyong Yolanda.
Binuhay at pinasigla rin niya ang pananampalataya ng buong bayan. Feeling blessed ang lahat.
Sayang lang talaga at nasabayan ng bagyong Amang ang pagpunta niya sa Tacloban at ang ginanap na misa sa Quirino Granstand kahapon.
Pero kahit bumagyo hanggang kahapon, hindi natinag ang lahat. At hindi sila nabigo, dahil nag-ikot sa buong Grandstand ang Santo Papa kaya kitang-kita sa TV ang kanyang mga security na nagtatakbuhan dahil kung saan-saan na lumiko ang mobile na sinasakyan ng Santo Papa.
At kahit nga raw ang mga foreign correspondents na nagko-cover sa Papal Visit, manghang-mangha sa rami ng tao na dumagsa at naghihintay kay Pope Francis kahit saan ito pumunta.
Nakita rin ng mga foreign correspondent na kahit basang-basa na ang lahat nang nasa Tacloban at Luneta, hindi sila umalis sa kanilang kinalalagyan.
Eh kahapon, bandang hapon, ang lakas na ng ulan. With matching hangin pa. Pero talagang wala nang pakialam ang lahat, nakinig sila ng misa. Kaya nga kahit nanonood ka lang sa TV doon pa lang, maiiyak ka na.
Pagkatapos ng kanyang Concluding Mass ay muli siyang nag-ikot sa Grandstand.
Sabi nga ni Cardinal Tagle, si Pope Francis ang naging typhoon proof sa mga nakiisa sa Misa.
Kaya lang panira lang talaga ‘yung nagsisigaw sa stage after the mass while waiting for the pope na sumakay sa Pope Mobile bago dumiretso sa Nunciature. Parang nasa isang perya lang. Sana lang pinigilan na lang siya at kumanta na lang ang mga choir.
Anyway, bago ang naganap na Concluding Mass sa Quirino Grandstand, nauna na siyang nagkaroon ng meeting sa mga kabataan sa UST at talagang naka-inspire nang husto ang mga sinabi ni Pope Francis doon.
Isa sa nakaka-touch na nangyari ay ang tanong ng 12 year-old na si Glyzelle Iris Palomar na representative ng street kids at tinanong kung bakit pumapayag ang Diyos na maranasan nila ang paghihirap habang umiiyak ang bata.
Sinabi rin niya doon na matuto tayong umiyak para sa ating kapwa.
Ipinagdasal din niya ang nahulugan ng scaffolding sa misa sa Tacloban na namatay.
Sana nga sa pag-alis ni Papa ay isabuhay natin ang kanyang mga naiwang inspirasyon.
Balik-tambalan nila Jolina at Marvin mapapanood na
Tatlong programa ng ABS-CBN ang mag-uumpisa ngayong araw.
Una rito ang launching project ng teen star na si Janella Salvador na feel-good teleserye na Oh My G!
“Kumpara sa ibang love stories, napaka-unique po ng kwento ng Oh My G! dahil tungkol po ito sa buhay ng karakter ko bilang isang teenager, at ang mga pagbabago na mararanasan ko tungkol sa eskwelahan, kaibigan, pag-ibig, at sa paniniwala ko,” pahayag ni Janella na gaganap sa teleserye bilang si Sophie, ang teenager na biglang mayayanig ang perpektong buhay dahil sa pagkamatay ng kanyang mga magulang.
Kuwento naman ng apat na babaeng sasalamin sa iba’t ibang mukha ng pag-ibig ang makikilala sa pagbubukas ng Nasaan Ka Nang Kailangan Kita. Ito ay pagbibidahan nina Denise Laurel, Jane Oineza, Loisa Andalio, at Vina Morales.
Ngayong araw na rin magsisimula ang Flordeliza na tampok ang pagbabalik-tambalan ng ‘90s iconic Kapamilya love team nina Jolina Magdangal at Marvin Agustin.
“Ang Flordeliza ay kwento ng dalawang pamilya. Ito’y sesentro sa dalawang ina at dalawang bata na pagbubuklurin ng pagmamahal at paglalayuin ng isang malungkot na katotohanan. Ipapaunawa nito sa mga manonood na ang pagmamahal ng pamilya ang siyang tunay na bumubuo sa ating pagkatao,” pahayag ng Master Storyteller na si Wenn V. Deramas na siya mismong bumuo ng konsepto at co-director ng serye.
TV5 tuloy ang arangkada ngayong 2015
Tuloy ang arangkada ng TV5 ngayong 2015. Mag-uumpisa ngayong Lunes ang apat sa mga bagong programa nila kabilang na ang morning lifestyle show na Happy Wife, Happy Life na pagsasamahan ng partners of some of the country’s most popular basketball stars – Danica Sotto-Pingris, wife of hardcourt idol Marc Pingris; LJ Moreno-Alapag, wife of PBA Mighty Mouse Jimmy Alapag; RR Enriquez, partner of ace player JJ Helterbrand; and Jeck Conwi-Maierhofer, wife of hardcourt favorite Rico Maierhofer. Airing from Monday to Friday at 10:30 a.m. beginning today, January 19.
Set to become the “advice center ng bayan” ay ang morning show that tackles issues ranging from trivial to complex legal and life problems – Solved na Solved. Hosted by Gelli De Belen, Atty. Mel Sta. Maria, and Arnell Ignacio, this show will provide viewers with insightful and helpful advice that will educate them on their legal rights as well as explain their available options and the right process to making legal claims. Solved na Solved airs weekdays at 11:30 a.m. starting today, January 19.
Making a big leap to television this year from its popular Radyo5 program is Healing Galing sa TV, now extending its valuable health advice to Kapatid viewers Mondays to Fridays at 10:00 a.m., beginning today, January 19. Naturaphatic medicine expert Dra. Edinell Calvario now teams up with Dr. Hayden Kho to share health tips and advice covering both alternative and Western medicine approaches.
At tuluy-tuloy ang tagumpay ng Wattpad Presents kung saan meron silang apat na bagong titles.
Airing weeknights at 9:00 p.m. starting tonight are the new Wattpad Presents episodes of Trip in Love or Fall in Love of Eula Caballero and Bret Jackson; I’m in Love with a DOTA players of Shaira Mae and Mark Neumann; Mistakenly Meant for You of Isabelle De Leon and Carl Guevarra; and House Full of Hunks of Jasmine Curtis Smith, Vin Abrenica, Charlie Sutcliffe, John Spainhour, and Albie Casiño.
- Latest