^

PSN Showbiz

Barbie Forteza maraming natutunan nang maging bully

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Saliwa sa karakter niya bilang Diana sa top rating afternoon prime series na The Half Sisters, gaganap na bully si Barbie Forteza sa isang romantic drama mainstream-indie (maindie) film na #Ewankosau Saranghaeyo. Makakasama niya sa pelikula ang former child actor na sina Francis Magundayao, at promising teen stars Jon Lucas at Elisse Joson.

Calixta “Kai” Luna ang pangalan ng character na gagampanan ni Barbie sa nasabing maindie film. Si Kai ay sikat na bully sa eskwelahang kanyang pinapasukan at avid K-Pop fan na mayaman, ngunit naghahanap ng atensyon at pagmamahal. Mas gusto ni Kai na mapag-isa at gamitin ang kanyang oras para magpinta.

Pag-amin ng aktres, nanibago siya sa gagampanan niyang character sa pelikula, pero laking tuwa naman niya dahil marami siyang bagong experience dahil dito. Nagkaroon din siya ng pagkakataong i-explore pa ang kanyang acting skills.

“Naging challenge sa akin ng konti na kinaila­ngan kong matuto ng konting Korean. Siyempre kasi dapat, tama ‘yung pronunciation,” giit ng 2014 Cine­malaya Best Supporting Actress.

Ihinayag din niya na marami siyang natutunan sa paggawa nitong pelikula. “May dahilan kung bakit nagiging bully ang ibang tao. That’s how they get attention, kasi deep inside they feel alone kaya nila nagagawa ‘yun. Marami pa silang matutuklasang rea­lidad sa aming pelikula about school and teen-age life,” pakli ng aktres.

Sa direksyon ni Roman Perez, mapapanood ang #Ewankosau Saranghaeyo simula January 21 sa mga sinehan.

BARBIE FORTEZA

BEST SUPPORTING ACTRESS

ELISSE JOSON

EWANKOSAU SARANGHAEYO

FRANCIS MAGUNDAYAO

HALF SISTERS

JON LUCAS

ROMAN PEREZ

SI KAI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with