^

PSN Showbiz

Parang kutsero sikat na singer ‘yeah yeah’ lang ang kayang salita

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Kutsero pala ang bansag ng mga show producers-promoters sa isang pamosong musikero. Napakatipid daw kasing magsalita ng sumikat na bokalista ng isang banda na ngayon ay may bago na ring grupo pero mas madalas na sumosolo lang sa mga shows sa ibang bansa.

Hindi siya nakikihalubilo sa kanyang mga kapwa singers, may sarili siyang mundo, patingin-tingin lang siya pero bihirang-bihirang magsalita.

Kuwento ng aming source, “Paano namang hindi siya tatawaging kutsero, e, puro ‘Yeah, yeah, yeah’ lang naman ang alam niyang sabihin kapag may kumakausap sa kanya?

“Puro ganu’n lang siya. ‘Okey ka ba? Kumain ka na ba? Are you okey? May kailangan ka ba?’ Ang dami-daming tanong sa kanya, pero ang kaisa-isa lang niyang sagot, e, ‘Yeah.’

“Wala kang maririnig na ibang salita sa kanya kundi puro ‘yun lang, para siyang kutserong nagpapatakbo ng kabayo na yeah lang nang yeah! Kulang na nga lang na isunod pa niya ang tigidig-tigidig, dahil sa kasasabi niya ng yeah!” tawa nang tawang kuwento ng aming impormante.

Kasali sa kontrata ng mga Pinoy performers sa ibang bansa ang pagpo-promote ng kanilang concert. Nagpupunta sila sa puwesto ng kanilang mga sponsors, puwedeng restaurant o bar ‘yun, puwede rin namang mall.

“Nandu’n siya, pero hindi mo halos mararamdaman ang presence niya dahil wala siyang kibo. May sarili talaga siyang mundo. Tanungin man siya ng mga kapwa Pilipino natin, yeah lang din ang isasagot niya.

“Pero naman! Kapag nagpe-perform na siya, e, bigay todo naman! ‘Yung inis mo sa kanya dahil hindi siya kumikibo, e, sulit na sulit naman, dahil magaling siyang performer at malakas ang charisma niya sa mga beki at girls!

“Panalo ang bawat performance niya, kaya sabi ng mga producers, e, okey na rin na para siyang kutserong yeah lang nang yeah! Ano kaya ang ipinampipitik niya sa kanyang kabayo, latigo kaya o bamboo?” kuwento pa ng aming source.

Ubos!

News5 nagpakitang-Gilas sa coverage kay Pope Francis

Mula nu’ng Huwebes nang dumating siya hanggang ngayon at hanggang sa Lunes sa kanyang pamamaalam ay sinolo ng Santo Papa ang panahon at atensiyon ng ating mga kababayan.

Kay Pope Francis nakatutok ang lahat ng mga networks, ang kanyang mga aktibidad ang nilalaman ng mga balita sa diyaryo at sa telebisyon, walang bukambibig ang mga Pilipino kundi ang kanyang pangalan.

Kani-kanyang pakitang-gilas ang mga news anchors at ang mga news field reporters para sa kanilang mga report, nakikipagbalyahan sila, nakikipaggitgitan dahil may mga kababayan tayong gustong makalapit agad sa Santo Papa kahit meron na silang nasasaktan.

Gusto naming batiin ang lahat ng mga bumubuo ng News 5 sa pagiging komprehensibo ng kanilang pagtatawid sa publiko ng mga aktibidad ng Santo Papa. Kumpleto, detalyado, masarap panoorin-pakinggan ang kanilang mga ulat.

Sa pamumuno nina Ms. Luchi Cruz Valdes, Patrick Paez, at DJ Sta Ana ay naging maayos ang trabaho ng mga pinagkatiwalaan nilang news correspondents na palaging nakatutok sa mga aktibidad ni Pope Francis.

Kahit ang mga bagitong news reporters ng News 5 ay nagmukhang datihan na dahil sa husay nilang magsalansan ng mga salitang bibitiwan sa kanilang mga anotasyon.

Nagbunga ng positibo ang madalas nilang pagmi-meeting nu’ng parating pa lang ang Santo Papa, bawat isa’y nagbigay ng makabuluhang kontribusyon sa malawakan nilang pag-uulat, puwede nang pakawalan ang mga news correspondents ng News 5. Kung madalas isigaw ng ating mga kababayan ang “Mabuhay ang Santo Papa!” ay gusto rin naming ipagmalaki at isigaw ang mabuhay ang lahat ng mga bumubuo ng bulwagang pambalitaan ng News 5.

vuukle comment

KAY POPE FRANCIS

LANG

MS. LUCHI CRUZ VALDES

NEWS

POPE FRANCIS

SANTO PAPA

SIYA

YEAH

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with