^

PSN Showbiz

Kasal nina Dingdong Dantes at Marian Rivera mapapanood na

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Masasaksihan na ang pinaka-aabangang kasalan nina Dingdong Dantes at Marian Rivera dahil ihahandog  ng GMA Network ang two-part wedding special ng paboritong couple ng mga Pilipino na mapapanood ngayong Enero 17 at 24, 8:15 p.m. pagkatapos ng Magpakailanman.

Ipapakita sa two-part special na ito ang pag-iisang dibdib nina Dingdong at Marian na nabuo at natupad dahil sa pag­­mamahalan nilang dalawa at sa pagmamahal ng mga taong nakapaligid sa kanila.

Sa unang part ng special na pinamagatang  Ding­dong and Marian Wedding Spe­­­cial The Ceremony na ipapalabas ngayong Enero 17, ipapakita sa lahat ng mga manonood ang seremonya ng kasal sa Immaculate Conception Cathedral, ang wedding attire nila Dingdong at Marian, ang pinakahihintay na entrance ni Marian sa simbahan pati na rin ang kanilang unang kiss bilang mag-asawa.

Ipapasilip din ang mga preparasyon at nakatutuwang eksena bago ang kasal at ang mga mensahe ng kanilang mga mahal sa buhay at kaibigan.

Bibigyan din ang mga manonood ng pagkakataon na makilala ang mga taong nasa likod ng tagumpay ni Dingdong na mabigyan at matupad ang dream wedding ni Marian kabilang na ang naging live TV proposal niya kay Marian, ang kanilang prenuptial shoot at pagkikipagmeeting ni Marian sa kanyang gown designer sa Dubai at ang pagsasalo kasama ang kanilang mga principal sponsors.

Matutunghayan din ang dra­matic entrance ni Dingdong sa simbahan at ang pinakahihintay at pinaka-aabangang pag­lalakad ni Marian sa altar.

Habang sa Enero 24, tung­hayan ang second part ng special na pinamagatang Ding­dong and Marian Wedding Special The Celebration.

Mapapanood dito ang naging masayang selebrasyon at wedding reception sa SM Mall of Asia Arena pagkatapos ng church ceremony.

Ipapakita sa mga manonood ang never-before released na pre-wedding interview nila Dingdong at Ma­rian, kanilang mga kaibigan at celebrity guests pati na rin ang mga detalye mula sa kanilang creative team na namahala sa reception.

Masisilayan din ang 3D-mapped wedding cake na nagpapakita ng iba’t ibang prenuptial videos ng mag-asawa sa Pampanga at Dubai at ang espesyal na short film na ginawa ng isa sa ninang nina Dingdong at Ma­rian, si Bb. Joyce Bernal.  Ipapakita rin ang surprise gifts nina Dingdong at Marian sa isa’t isa.

vuukle comment

DINGDONG

DINGDONG DANTES

ENERO

IPAPAKITA

MARIAN

SHY

WEDDING

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with