^

PSN Showbiz

Derek ‘di pa alam kung magri-renew sa TV5

RATED A - Aster Amoyo - Pilipino Star Ngayon

Sa katapusan ng February ay mag-i-expire na ang three-year-contract ni Derek Ramsay sa TV5 pero ayaw pa niyang mag-comment kung muli si­yang pipirma ng panibagong contract with the Kapatid Network o magpi-freelancer na lamang siya.

Sa ngayon, may dalawa siyang prog­ra­ma sa TV5 at kasama na rito ang kanyang sitcom, ang Mac & Chiz na pinag­sa­samahan nila ng komedyanteng si Em­poy na ang pilot episode ay mapapanood on January 25, Linggo sa ganap na ika-8:00 ng gabi.

Ibang-iba ang aura ngayon ni Derek sa pagpasok ng bagong taon at kitang-kita sa kanyang mukha kung gaano siya kasaya.

Samantala, mukhang unti-unti nang lumalambot kay Derek ang ABS-CBN dahil nakatakda itong gumawa ng movie sa bakuran ng Star Cinema, ang film company ng Kapamilya Network. Ang movie ay may working title na Chemistry at makakasama niya si Kris Aquino at co-produced by Star Cinema, Regal Films, KCAP ni Kris, at Quantum Films.

Alonzo ‘di na nagpapaawat

Abangan ninyo ang Tonight with Arnold Clavio on Thursday, Jan. 22 at 10:50 a.m. sa GMA kung saang special guest ang mag-amang Niño at Alonzo Muhlach. Bukod sa kumanta ang mag-ama, nakakatuwa ang kulitan nina Arnold at Alonzo.

Pero bago nito, also on Thursday night sa GMA, mapapanood muna ang mag-amang Niño at Alonzo sa Tapatan ni Tunying sa ika-4:30 ng hapon sa ABS-CBN naman.

Matapos mapanood si Alonzo sa My Big Bossing kung saan siya intro­ducing, naging sunud-sunod na ang iba’t ibang guestings and perso­nal ap­pea­rance ng next ‘Child Wonder’. Mapapanood na rin ito sa kiddie gag show every Sunday na Goin’ Bu­lilit at sa bagong TV series ni Alex Gonzaga, ang Inday Bote kung saan naman siya gumaganap na duwende.

ALEX GONZAGA

ALONZO

ALONZO MUHLACH

ARNOLD CLAVIO

CHILD WONDER

SHY

STAR CINEMA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with