Mas bagets pa sa singer Mommy Raquel ni Charice batang-bata ang bagong boyfriend!
Nagdiwang ng kanyang kaarawan ang ina ni Charice Pempengco na si Raquel Pempengco kamakailan.
Isang simpleng pool party ang ginanap na dinaluhan naman ng malalapit na kaibigan at kamag-anak ni Mommy Raquel.
Samantala, may lalaking nagsisilbing inspirasyon daw ngayon sa buhay ng ina ni Charice. “Meron naman siyempre, pero hindi pa siya handang humarap. Dumating siya noong medyo challenging ang buhay ko. ‘Yung sa kalagitnaan ng aking pighati, na-stroke ang tatay ko. Dumating siya, hindi sa saya eh. Kumbaga, kaya ko rin siya (nagustuhan) dahil sa hirap ko, nando’n siya. Supportive talaga,” pagtatapat ni Mommy Raquel.
Walong buwan na raw ngayon ang relasyon ng dalawa at wala naman daw itong naging problema kay Charice kahit na magkalayo ang agwat ng edad nina Mommy Raquel at ng kasintahan nito. “Walang naging problema kay Charice na ka-edad lang na karelasyon. Sa kanila, okay kasi sabi nila kung saan ako masaya. Gano’n din naman sa bunso ko, kay Carl. Kaya lang medyo magkalapit ang age nila,” nakangiting paliwanag ni Mommy Raquel.
Isa raw sa dahilan ng pagkakaayos ng gusot sa pagitan nina Charice at Mommy Raquel ay nang ipagtapat ng huli ang tungkol sa kanyang buhay pag-ibig sa singer. “Kaya kami nagkabati, no’ng nag-email ako, katulad mo rin, ako din na-in love ako, kaya lang mas bata sa akin. Siguro three days nag-e-mail sa akin. Tuwang-tuwa naman ako,” pagbabahagi ni Mommy Raquel.
“The moment she sent me the email telling me about that, wala naman akong doubts or anything and sa akin kasi, just be happy. It’s good for her heart and that’s the most important thing for me. Ayoko nang nakikitang depressed siya. Seeing her happy with someone, that’s alright,” pahayag naman ni Charice.
Marlo at Janella inaalagaan ang espesyal na relasyon
Sa Lunes ay magsisimula na ang teleseryeng Oh My G! na pinagbibidahan nina Janella Salvador at Marlo Mortel. May espesyal na raw na ugnayan ngayon sina Marlo at Janella dahil matagal na rin silang magkasama sa trabaho. “We have this very special friendship na inaalagaan namin. Sa ngayon we are close and thankful to have her by my side,” bungad ni Marlo.
Para sa aktor ay masyado pa raw bata si Janella pero nakahanda siyang maghintay kung kailan magiging handa ang dalaga na magkaroon ng kasintahan. “Opo naman. Sa ngayon kasi si Janella malaki ang future niya. Madami pa siyang kailangang gawin. Ako din as well, as baguhang artista, marami pa akong kailangang i-prove. So our relationship that’s gonna wait,” giit ni Marlo.
Ayon naman kay Janella ay hindi pa talaga sumasagi sa isip niya ang pakikipagrelasyon. “Wala pa po akong iniisip na love, love ngayon. But I can say na sobrang special ng friendship namin. We are very close,” sagot ni Janella sa naging pahayag ng aktor.
Reports from JAMES C. CANTOS
- Latest