^

PSN Showbiz

Jane ayaw ipangalandakan ang relasyon kay Jeron Teng

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon

Masayang-masaya si Jane Oineza dahil mararanasan na nitong magbida sa isang malaking te­leserye. Matagal na raw pinapangarap ni Jane na makapagbida sa isang soap opera. Makakatambal ngayon ng aktres sa Nasaan Ka Nang Kailangan Kita si Jerome Ponce. “Happy ako na finally magagawa ko na ‘yung dream ko since before and thankful ako sa ABS-CBN dahil binigyan nila ako ng opportunity at chance na mag-lead sa isang teleserye. Hopefully maganda ang kalabasan din at sana nga abangan ng mga tao kasi marami pang kaabang-abang sa show na ito,” bungad ni Jane.

Ito ang kauna-unahang pagkakataon na nakasama ng dalaga si Jerome sa isang proyekto  kaya ngayon ay malapit na sila sa isa’t isa. “Nilu-look forward ko ‘yung taping days na magkakasama kami. Kasi first time nga na­ming magka-work pero friends naman kami since before,” pagbabahagi ni Jane.

Aminado ang aktres na may gusto siyang katangian ni Jerome. “Kasi siya masayang kausap. Hindi ka mabo-bored and siguro gusto ko ‘yung sense of humor ni Jerome,” pagtatapat ng dalaga.

Samantala, gusto na lamang daw gawing pribado ni Jane kung ano man ang namamagitan sa kanila ng basketbolistang si Jeron Teng. “We’re just keeping it more private na lang ngayon pero constant din naman ‘yung communication namin. Happy naman, ‘yun lang,” makahulugang pahayag ng aktres.

Juan Dela Cruz ni coco isasali sa MMFF 2015

Isang comedy film ang nakatakdang gawin ni Coco Martin kasama ang kaibigang si Vice Ganda. “First time ko talagang gumawa ng comedy. Magaan ito, malapit sa puso namin kasi spoof ito ng buhay namin eh. Sabi ko nga, siyempre na-challenge ako kasi ngayon lang ako gagawa ng ganitong tema ng pelikula,” nakangiting pahayag ni Coco.

Ang aktor daw mismo ang nakaisip ng konsepto para sa bagong proyekto nila ni Vice. “Sabi ko nga, sa bawat soap opera na ginagawa ko, sa bawat pelikulang ginagawa ko, gusto ko kasi may partisipasyon ako. Siyempre napakarami naming mga nakatrabahong artista, napakarami naming nakatrabaho sa pelikula, why not magsama kami sa isang pelikula at nakaisip ako ng magandang konsepto para sa aming dalawa,” paliwanag ni Coco.

Pumatok sa takilya ang mga pelikulang The Amazing Praybeyt Benjamin ni Vice at Feng Shui 2 ni Coco sa Metro Manila Film Festival (MMFF) 2014.

Plano raw maipalabas bago magtapos ang taon ang bagong pelikulang gagawin ng dalawa. “I think by October at sa Filmfest kasi, ako wini-wish ko sana makagawa ako ng Juan Dela Cruz. Pangarap ko na sana this coming MMFF 2015. Sabi ko sana magawa ko ang Juan Dela Cruz,” pagtatapos ng aktor.

Malapit na ring simulan ang shooting ng pelikulang pagsasamahan nina Coco at Toni Gonzaga. Reports from JAMES C. CANTOS    

                  

AKO

AMAZING PRAYBEYT BENJAMIN

COCO MARTIN

FENG SHUI

JANE OINEZA

JEROME

JUAN DELA CRUZ

SABI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with