^

PSN Showbiz

Pero ipagdasal nating malusaw ang bagyo: Typhoon Amang gusto rin salubungin si Pope Francis!

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon

Si Pope Francis ang Ama ng Catholic Church kaya parang sinadya na Amang ang ibinigay na pangalan sa bagyo na nagbabadya na maranasan ng mga kababayan natin sa Eastern Visayas sa dara­ting na Sabado.

Ang dalawin ang mga nasalanta ng Typhoon Yolanda sa Eastern Visayas noong November 2013 ang tunay na pakay ng pagdalaw ni Pope Francis sa ating bansa.

Pupunta si Pope Francis sa Leyte sa Sabado at ito rin ang inaasahan na araw ng pagdating ng Typhoon Amang sa Eastern Visayas. Parang nananadya ang masungit na panahon ‘ha?

Pero sa tulong ng mga panalangin, puwedeng lumihis ang direksyon ng Typhoon Amang para hindi ito maging sagabal sa pagbisita ng Santo Papa sa Leyte. Ipagdasal natin na matunaw ang Typhoon Amang, alang-alang sa nalalapit na pagdalaw ni Pope Francis sa Typhoon Yolanda survivors.

Nakansela naman ang meeting ni Pope Francis sa mga bishop sa unang araw niya sa Sri Lanka noong Martes dahil sa sobrang pagod.

Ang sabi ni Kara David ng GMA-7 na kasama sa Sri Lanka, natagalan ang motorcade ni Pope Francis dahil nakihalubilo ito sa mga tao na naghintay sa pagdating niya. Sa Sri Lanka pa lang ‘yon ‘ha?

Ngayong hapon ang arrival ni Pope Francis sa Villamor Airbase. Sure ako na matatagalan ang kanyang motorcade dahil sa libu-libong Pinoy na excited na makita siya nang personal.

Ang sabi ng PNP, kahit holiday ngayon, baka abutin ng tatlong oras ang motorcade ni Pope Francis mula sa Villamor Airbase hanggang sa Apostolic Nunciature sa Taft Avenue dahil sa mga kababayan natin na maghihintay sa kanya.

Catholic country ang Pilipinas. Imposible na hindi ma-feel ni Pope Francis ang ipinagmamalaki na hospitality ng mga Pilipino.

Crew ng iba’t ibang TV station nagka-problema sa kaka-selfie

Ilang araw nang nakatambay sa Roxas Bou­levard ang crew ng iba’t ibang mga TV network dahil sa pag-aayos ng kanilang magiging puwesto sa coverage ng pagdating ni Pope Francis.

Post sila nang post sa social media ng mga picture nila kaya nagkaroon sila ng problema, marami sa kanilang mga kakilala ang nakikiusap na idamay o isama sa coverage.

Walang magagawa ang mga nakikiusap dahil bukod sa mahigpit ang security, hindi puwedeng makapasok o makalusot sa coverage area ang mga tao na walang valid ID mula sa mga TV station.

Kinain ang mga sinabi dati: Kylie binalikan na si Aljur?!

Kasali na si Kylie Padilla sa cast ng More Than Words dahil siya ang gaganap bilang nagbabalik na ex-girlfriend ni Basti na ginagampanan ni Elmo Magalona.

Kinumpirma ni Janine Gutierrez na si Kylie ang bagong karagdagan sa cast ng primetime teleserye nila ng kanyang boyfriend na si Elmo.

Wanted si Kylie ng mga reporter dahil sa tsismis na nagkabalikan na sila ni Aljur Abrenica.

Kung totoo ang tsismis, binawi ni Kylie ang kanyang sinabi noon na hinding-hindi na magkakaroon ng Part 2 ang relasyon nila ni Aljur dahil mas mahal niya ang sarili.

Puwede naman na magbago ang desisyon at paniniwala ni Kylie dahil hindi siya nag-iisa. Maraming artista ang nagsalita nang tapos pero nagsisi sila dahil hindi nila napanindigan ang kanilang mga pangako sa sarili.

vuukle comment

DAHIL

EASTERN VISAYAS

FRANCIS

POPE

POPE FRANCIS

SRI LANKA

TYPHOON AMANG

TYPHOON YOLANDA

VILLAMOR AIRBASE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with