Nanay ni Barbie Forteza biglang natakot sa kapalaran ng anak
MANILA, Philippines – Ang pagso-sorry kahapon sa akin ng nanay ni Barbie Forteza dahil naiyak ako nang hindi nila napagbigyan ang request ko na sumaglit kahit 10 minutes man lang sa intimate press interview noong Linggo para sa pinagbibidahang pelikula ng kanyang anak, ang #ewankosau Saranghaeyo (I Lab Yu) na ipapalabas na sa mga sinehan sa January 21.
Nang malaman ko ang problema sa schedule ni Barbie dahil kasabay ng pa-interbyu ng #ewankosau ang fans day niya, nakiusap ako sa kanyang handler na nagngangalang Frank na kahit 15 minutes lang ay sumaglit man lang ang kanyang alaga, pero kung anu-ano na ang idinahilan ng handler ni Barbie at ang gusto pa ay papuntahin na lang daw ang entertainment press sa venue ng fans day ng young actress.
Idinaan ko na kay Ms. Gigi Santiago-Lara na head ng GMA Artist Center ang pakiusap ko na papuntahin si Barbie sa press interview kahit 10 minutes lang, pero hindi pa rin pumayag ang kampo ng young actress.
Naiyak ako sa pagkadismaya dahil sa totoo lang, si Barbie ang bida sa #ewankosau kapareha si Francis Magundayao ng Star Magic, na kailangan nilang i-promote dahil pangalan din naman niya ang nakataya roon. Na nagre-rate nga ang Half Sisters niya sa GMA 7, pero kung flopsina naman ang pelikula niya, wala ring silbi ‘yun.
Nang ipaliwanag ko kahapon sa nanay ni Barbie ang mga punto ko, sumang-ayon sa akin si Mommy Amy na may mali rin sila dahil magkalapit lang ang venues ng fans day at intimate press interview ng #ewankosau.
Naiyak pa si Mommy Amy sa pagso-sorry at ipinangakong magiging cooperative sila sa promotions ng #ewankosau.
Mga show ni AiAi visible sa Jeepney TV!
Very proud na ipinakikilala sa ilang miyembro ng entertainment press ni AiAi delas Alas ang anak na si Sancho kahapon ng tanghali.
Pero hindi pagpaka-stage mother ang mga kuwento ni Ai Ai tungkol kay Sancho.
Ang magkaroon ng isang primetime teleserye sa GMA 7 ang pangarap ni Ai Ai para sa anak ngayong nakakontrata ang anak sa Kapuso Network.
Nilinaw din ni AiAi na nag-audition si Sancho sa Kapuso Network at nakapasa ito kaya certified Kapuso ito.
Ayaw nga palang pag-usapan ni AiAi ang duda ng marami na baka lumipat din siya ng ibang network lalo na at magtatapos na ang kontrata niya sa ABS-CBN. Wala mang regular TV show ngayon sa Kapamilya network, madalas pa rin namang mapanood ang comedy concert queen sa Jeepney TV na sister cable channel ng Dos. Ipinapalabas sa Jeepney TV ang mga lumang show ng ABS-CBN at kasama roon ang ilang old shows ni Ai Ai.
- Latest