Kahit aligaga sa kasal paintings ni Heart, sold out sa Singapore
MANILA, Philippines – Kahit abala sa preparation ng kanilang kasal ni Sen. Chiz Escudero sa February 15, nagawa pa ring magkaroon ng first international art exhibit ni Heart Evangelista.
Yup, after six months ng kanyang first sold out solo exhibit at the Ayala Museum, Heart (Love Marie Ongpauco) has taken it to the next level. Hosted by the Chan Hampe Gallery in Singapore, idinisplay ni Heart ang kanyang six pieces of her best oil paintings featuring mostly soulful women with bright and colorful patterns.
In fairness, punung-puno raw ang gallery ng mga Singaporean and other foreign art collectors na in awe pero na-disappoint nang malamang sold out na lahat. The exhibit was formally opened by Philippine Ambassador to Singapore, Antonio Morales; gallery owner Ben Hampe and Heart herself. Wala raw si Sen. Chiz dahil nasa Sorsogon ito.
Ayon sa mga previous interview kay Heart, passion niya talaga ang painting bata pa lang siya. Pero it was only recently na nagkaroon siya ng confidence na ipakita sa publiko ang kanyang mga obra. Ang paintbrush and canvas umano ang nagsisilbing outlet ng magiging misis ni Sen. Chiz para labanan ang mga pinagdaraanan niyang struggles and difficulties na siyempre pinaka-common knowledge ang tungkol sa problema nila ng kanyang parents lalo na ang kanyang ina na kasalukuyang nasa bakasyon sa Amerika.
Sa pamamagitan ng pagpi-paint, she feels free and able to express her thoughts and feelings in the most truthful way. Sa kasalukuyan, marami nang pumupuri sa mga gawa niya locally, and now internationally.
The Love Marie exhibit was also made possible by Cream Silk na nag-open last January 8 up to 10 at the Chan Hampe Gallery, Raffles Hotel Arcade, Singapore.
Sharon masaya na ang aura
Wow kakaibang Megastar Sharon Cuneta ang nakita sa mga picture na ipinost niya sa kanyang Facebook account the other night. Obviously nag-party sila para sa kanyang birthday kasama ang mga nakatrabaho sa kanyang dating musical show at ang mga kaibigang sina Judy Ann Santos, Agot Isidro at marami pang iba. Parang mas payat at blooming ang actress/singer.
Ibang Sharon siya at kung photos ang basehan, bumalik na ang sigla niya at maaliwalas na ang aura niya.
Matagal-tagal na ring nawala sa eksena si Sharon after nitong kumawala sa TV5 at mamatay ang Mommy Elaine niya. Pero ngayon ay parang ready na siyang mag-comeback na ang sabi ay sa ABS-CBN na raw.
- Latest