^

PSN Showbiz

Ruru maagang naging magulang para sa mga ’kapatid’

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Sabi-sabi ng marami na ang kabataan ang kinabukasan ng bayan. Ngunit paano na lang kung ang isang bata ay sukuan ang kaniyang kinabukasan para sa kapakanan ng kaniyang mga kapatid? 

Ngayong Sabado, samahan si Ms. Mel Tiangco sa kaniyang pakikipana­yam kay Carlo Hufana, isang teenager na naging ama at ina sa kaniyang dalawang kapatid na may kapansanan sa pag-iisip. 

Paano napunta sa ganitong sitwas­yon si Carlo? Ano ang nangyari sa ka­niyang magulang? At magaga­wa nga ba ng isang bata ang magpa­laki ng mga kapatid, kung siya mismo ay na­ngangailangan pa ng ka­linga at patnubay ng nakatatanda?

Itinatampok si Ruru Madrid sa isang natatangging pagganap bilang si Carlo, isang binatang pinasan ang responsibilidad na iniwan ng kaniyang mga magulang, para mahalin at alagaan ang dalawang kapatid na itinatatwa ng kanilang mga kamag-anak. 

Hanggang saan aabot ang pasensya at pagmamahal ni Carlo para sa kaniyang mga kapatid? At paano niya haharapin ang katotohanang hindi sapat ang kaniyang pag-aaruga para sila ay mabuhay?

Kasama ni Ruru sa episode na ito ang Cinemalaya Best Supporting Actor na si Miggs Cuaderno sa challenging role bilang si Angelo, ang isa sa mga mentally-challenged na kapatid ni Carlo; kabilang rin sina Leandro Baldemor, Shyr Valdez, Lui Manansala, Angeli Bayani, Prince Vinluan, at sa espesyal na partisipasyon ni Angelika dela Cruz. 

Mula sa direksyon ni Maryo J. Delos Reyes, alamin ang kuwento ni Carlo at ng kaniyang mga kapatid sa Magpakailanman, ngayong Sabado (January 10) pagkatapos ng Pepito Manaloto, Ang Tunay na Kuwento sa GMA-7.

ANG TUNAY

ANGELI BAYANI

CARLO HUFANA

CINEMALAYA BEST SUPPORTING ACTOR

DELOS REYES

KANIYANG

KAPATID

LEANDRO BALDEMOR

LUI MANANSALA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with