^

PSN Showbiz

Prayer list for 2015! Showbiz couples ‘di na dapat mag-post ng mga intimate vacations, GMA 7 kailangang makabangon

Elvie Matias - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Dahil uso naman ang New Year’s resolution, gumawa kami ng isang prayer list para sa ilan nating mga sikat na artista. Batu-bato sa langit, tamaan huwag sanang magalit.

 · Na ang image at kasikatan ni Sarah Geronimo ay mapanatili, bilang tunay na role model ng mga kabataan. Sana ang kanyang relasyon sa kasintahang si Matteo Guidicelli ay magsilbing magandang halimbawa rin para sa kanyang mga fans. 

· Na iwasan ng mga hindi pa kasal na showbiz couples na mag-post ng kanilang intimate vacations at holidays sa social media lalo na kung wala naman silang kasamang iba. Mas mabuti nang hindi sila pi­­nagsisimulan ng ma­ru­­ming kaisipan ng mga nag­babasa. 

· Magkaroon pa ng mga kasunod na peliku­lang pinagbibidahan sina John Lloyd Cruz at Sarah Geronimo dahil nasasabik pa rin ang kanilang mga fans. 

· Magpakasal na ang mga showbiz couples na sina Bea Alonzo at Zanjoe Marudo, John Lloyd Cruz at Angelica Pa­nganiban, Anne Curtis at Er­wan Heu­ssaff

· Para sa mga nagbabanga­yang ex-married couples na mag­karoon na ng katahimikan sa buhay nila para sa ikabubuti ng kanilang mga anak. Sana ang both parties ay magdesisyon na kalimutan ang mga pansariling agenda at magpakita ng tunay na pagbibi­gayan. Na bago nila ibukas ang mga bibig or gumawa ng kahit anong hakbang ay itanong muna nila sa sarili nila ang ganito: Masama ba ang magiging epekto nito sa aming mga anak? 

· Para kay Dr. Hayden Kho, na sana ay tuluy-tuloy ang kanyang growth bilang isang mahusay na preacher ka­tulad ng kanyang mentor na si Ravi Zacharias. At sana ang kanyang lovelife ay maging mas interesting at tugma sa kanyang pananampalataya. 

·  Para kay Dingdong Dantes at Marian Rivera na huwag na ma­ging defensive sa gitna ng batikos sa ka­nilang magarbong kasal. Ang isang ma­tagumpay na high profile wedding ng katulad nilang high profile na artista ay natural na pag-uusapan ng mga tao, lalo na kung mula’t sapul naman ay iniladlad nila sa publiko sa pamamagitan ng malawakang cove­rage ng telebisyon at kanilang mga kaibigang press people. 

· Isang malusog at masayang ba­gong taon para kay Mother Lily Monteverde na magbibigay sa kanya ng mas makahulugang pagsasamahan sa kanyang pamilya at mga kaibigan.

· Marami pa sanang shows at mo­vies para kay Ryzza Mae Dizon upang maipakita pa niya lalo ang ka­ga­lingan niya sa pag-arte.  

· Para sa GMA 7 upang makabalik sila sa kompetisyon. Nakalulungkot na ang Kapuso network ay nagkaroon ng “sad, losing streak” nitong nakaraang taon at bihira ang mga programa nila ang nagkaroon ng impact sa publiko at sa ra­tings game. 

· Si Jessica Soho ang maging main anchor ng primetime newscast ng GMA  dahil siya naman ang nag-iisang credible at most competent news anchors on television, kahit sa labas ng GMA 7. 

· Ang pagpapakasal ni Piolo Pascual sa isang babaeng katangi-tangi sa lalong madaling panahon. Ito ay matatawag nating “ultimate vindication.”  

· Para kay Julia Barretto upang maging mas mabuting anak sa kanyang amang si Dennis Padilla. Dapat ma-realize ni Julia na ang ama ay ama kahit na anong mangyari. Mas mapapalapit siya sa kanyang mga tagahanga kung magpapakita siya ng respeto lalo na at may mga issue siya laban dito. 

· Para kay Sen. Bong Revilla at ang kanyang butihing maybahay na si Cong. Lani Mercado upang ma-turn-around nila ang kanilang “tragedy” into “victory” sa pamamagitan ng kanilang faith. Nawa’y mas maging matatag ang kanilang pananampalataya at ang ka­ni­lang family ties dahil dito.

JOHN LLOYD CRUZ

KANYANG

MIDDOT

PARA

SARAH GERONIMO

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with