Sa kakaibang Papal Visit coverage, TV5 mas ilalapit ang mga pinoy sa Santo Papa
MANILA, Philippines – Matapos ang matagumpay na pagbubukas ng kakaibang website at interactive online campaign ng TV5 na #DearPopeFrancis kamakailan, kung saan milyung-milyong mga Pilipino ang nakiisa sa paghahayag ng kani-kanilang mga personal na pagbati at intensyon para kay Pope Francis, buong puwersa namang inihahandog ng TV5 ang komprehensibo at eksklusibong mga programang nakalaan sa nalalapit na makasaysayang pagdating ng Santo Papa.
Ngayong Linggo, January 11 ng 9:00 p.m. bibigyan ng TV5 ng mas ispiritwal na kahulugan ang inaabangang Papal visit sa pag-ere ng special 1-hour documentary program na Pastol sa Panahon ng Pagbabago. Tatalakayin ng dokumentaryo ang ilan sa mga mahahalagang isyung kinahaharap ng bawat Katolikong Pilipino na itatampok sa mga program segments na A) Poverty and The Filipino; B) Contraception; C) Gays; at ang D) The Selfie Generation.
Mula naman January 12 - 15, tututukan ng TV5 ang mga magiging preparasyon ni Pope Francis habang siya ay paparating sa bansa. Sa pangunguna ni News5 Correspondent Carla Lim na siyang mismong nakasakay sa papal plane kasama ng Santo Papa, mas malapitang mapapanood ng buong bayan ang pagsalubong kay Pope Francis.
Pangungunahan din ng TV5 ang pagbibigay ng mga pinaka-updated at mahahalagang balita at kaganapan mula sa oras ng pagdating hanggang sa pag-ikot ng Santo Papa sa iba’t ibang parte ng Pilipinas. Makakasama buong araw mula January 15 hanggang 19 ang ilan sa mga pinaka-pinagkakatiwalaan at tanyag na broadcast journalist ng bansa sa katauhan ng Hepe ng News5 na si Luchi Cruz-Valdes, kasama rin ang award-winning newscaster na si Erwin Tulfo at ang mga seasoned news personalities na sina Cheryl Cosim at Ed Lingao.
Samantala, bahagi ng misyon nitong maabot ang bawat Pilipino at humikayat ng mas maraming indibidwal, lalo na ang kabataan, na makibahagi sa makasaysayang pagbibisita ng Santo Papa, ilulunsad din ng TV5 ang isang interactive Social Media Command Center. Dito magsasanib-puwersa ang ilan pa sa mga natatanging anchors ng News5 at ang mga sikat na artista ng Kapatid Network, na magbabalita at maghahatid ng updates mula sa social media at mula rin sa ilang representatives ng mga Catholic youth organizations sa bansa.
Higit pa rito, handog din ng TV5 ang naiibang pag-uulat ng kaganapan sa pagbibisita ng Santo Papa sa pamamagitan ng mga tinaguriang ‘Popeparazzis’ na sina Lourd de Veyra, Ramon Bautista, Jun Sabayton, at RA Rivera, na siyang maghahatid ng mga opinyon at saloobin ng ordinaryong Pilipino sa pamamagitan ng kanilang man-on-the-street (MOS) reports.
Bukod sa mga nabanggit na mga kapana-panabik na programa at handog ng TV5 sa paparating na Papal visit, maghahatid din ng libreng livestream coverage ang Kapatid Network sa Smart-Araneta Coliseum ng January 15 – 18, araw-araw simula ng 9:00 a.m.
At para naman sa mga hindi pa nakakasali sa matagumpay na #DearPopeFrancis online campaign, maaari pa ring magpadala ng mga mensahe, personal na intensyon at petisyon para sa Santo Papa gamit ang opisyal na hashtag na #DearPopeFrancis sa mga social media accounts at sa website na www.DearPopeFrancis.ph.
- Latest