Mga beki naglaway sa seksing katawan ng aktor, Raymart rumampang nakahubad
Ginulat ni Raymart Santiago ang press people sa eksena niya sa Second Chances na lumabas siyang shirtless at kita ang magandang hubog ng katawan. Gandang-ganda ang mga beking reporter sa letter V na hugis na katawan ng aktor at para raw hindi ito 41 years old. Masarap daw ang aktor habang tumatawang nagkomento.
First time nagpakita ng hubad na katawan si Raymart, hindi raw siya nakahindi kay director Laurice Guillen at dahil kailangan sa eksena, pumayag na siya. Pero sabi nito, nag-gain pa siya ng weight sa lagay na ‘yun dahil nasa “loading stage” phase siya sa kanyang workout dahil sa mas matinding workout niyang gagawin.
Ibabalik niya ang time na mas delicious siya, kaya ang mga beki, mas lalong natuwa at ang request nila ay more hubad scene ni Raymart. Kapag nangyari ‘yun, araw-araw nilang panonoorin ang Second Chances na simula ang airing sa January 12, after ng Once Upon a Kiss.
Mas lalong na-excite ang press sa sinabi ni Raymart na payag siyang rumampa sa Cosmo Bachelor Bash, pero kailangan niyang paghandaan. Bigyan lang daw siya ng enough time na maghanda at rarampa siya.
Anyway, ang role ni Bernard sa soap na ang pinakadramang ginawa ni Raymart at hindi siya hirap humugot ng emosyon dahil sa mga pinagdadaanan ng personal life niya. Hindi niya nakita at nakapiling ang mga anak na sina Sabina at Santino sa nakarang Pasko at Bagong Taon.
Jennylyn inimbita ang mga ex sa Valentine
Muntik makalimutan ni Jennylyn Mercado na i-promote ang Valentine’s Day concert sa presscon ng Second Chances sa rami ng isyu na itinanong ng press na in fairness ay sinagot niyang lahat.
Sa February 13, sa Skydome pa rin ang Valentine concert ni Jennylyn, pero hindi na February Duh 13 ang title, Tagalog na ang title na Ako Na, Ako Na Ang Mag-isa Samahan Mo Naman Ako na galing sa isa sa hit punchline niya sa pelikulang English Only, Please!
Sa direction ni Calvin Nieras, co-producer ng concert sina Jennylyn, ang manager ni Jennylyn na si Becky Aguila at Quantum Films producer Atty. Joji Alonso na producer din ng EOP. Dahil wala pang maisip na name ng kanyang production, Jennylyn Mercado Productions muna ang kanyang gagamitin.
Ang pasabog sa concert ay ang guests ni Jennylyn na kinabibilangan nina Dennis Trillo, Patrick Garcia, Mark Herras, Gloc 9, at Derek Ramsay. Sa limang guests, sina Derek at Gloc 9 lang ang hindi ex-BF ng aktres, kaya masaya ito.
JC natupad ang pangarap kina Richard at Dawn
Nasa Baguio si JC de Vera ngayon para sa shooting ng pelikulang Halik sa Hangin ng Star Cinema na showing sa January 28. Kasama ni JC dito sina Gerald Anderson at Julia Montes na first time niyang makakapareha.
Ginagawa rin ni JC sa ABS-CBN ang soap na Will Never Say Goodbye at kapareha naman niya si Jessy Mendiola. First time ring makakasama ni JC ang aktres. Pareho ring tanggap ng fans ng aktor ang mga bago niyang kapareha.
Maganda ang pasok ng 2015 kay JC with these two projects at natupad ang New Year’s wish niya na mabigyan ng more projects. Double bonus kay JC na makatrabaho sina Richard Gomez at Dawn Zulueta sa soap dahil kahit noong wala pa siya sa showbiz ay pinapanood na niya ang dalawa.
Anyway, magi-guest muna si Tom Rodriguez sa shows ng GMA-7 habang wala pa siyang bagong regular show. Marami ang nagre-request na pagtambalin uli sila ni Carla Abellana, pero maganda rin kung ipapareha rin sila sa iba para hindi pagsawaan.
- Latest