Jake Ejercito aligaga sa pagsagot sa problema nila ni Andi, TV ad ni Luis para sa fastfood chain kinaaliwan!
SEEN: Mali ang impormasyon ng The 700 Club Asia na 1995 nang ipagbuntis ni Angelu De Leon ang anak niya kay Joko Diaz dahil 1998 nang magbunga ang kanilang relasyon noon.
SCENE: Isang major concert sa Smart Araneta Coliseum sa May at ang pelikula na pagsasamahan nila ni Coco Martin ang mga project ni Vice Ganda sa 2015.
SEEN: Aliw na aliw ang televiewers sa bagong TV ad ni Luis Manzano para sa isang fastfood chain. Hindi nakakasawa na panoorin ang TV commercial ni Luis.
SCENE: Absent si Camille Prats sa grand presscon ng Second Chances noong Martes dahil nagbabakasyon sila ng kanyang pamilya sa Amerika. Ang Second Chances ang primetime drama series ng GMA 7 na matutunghayan simula sa January 12.
SEEN: Ipalalabas sa Philippine theaters sa January 14 ang Edsa Woolworth, ang pelikula ni Pokwang na unang ipinalabas sa selected cinemas sa US noong November 2014.
SCENE: Ang pag-amin ni Jennylyn Mercado na nadagdagan ang pressure na pagbutihin niya ang pag-arte mula nang manalo siya na best actress sa Metro Manila Film Festival 2014.
SEEN: Showbiz na showbiz si Jake Ejercito na aligaga sa pagsagot tungkol sa relasyon nila ni Andi Eigenmann. Dinaig ni Jake ang ibang mga artista na uhaw sa publicity.
SCENE: Showing ngayon sa mga sinehan ang Tragic Theater, ang horror movie ng Viva Films. Mga bida sa Tragic Theater sina Andi Eigenmann, John Estrada at Christopher de Leon.
- Latest