^

PSN Showbiz

We Are All God’s Children hinihimok ang lahat na maging mapagmalasakit sa kapwa

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Aprubado ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) ang We Are All God’s Children, ang official theme song ng pinakaaaba­ngang pagbisita ni Pope Francis sa Pilipinas ngayong Enero 15 hanggang 19. Ito ay ayon sa sumulat at umawit nito na si Jamie Rivera. Ayon pa sa multi-awarded Inspirational Diva, naging inspirasyon niya sa paglikha ng kanta ang mismong kababaang-loob ng Santo Papa. Aniya, hangad niya na sa pamamagitan ng kanyang awit, na nilapatan ng musika ni Noel Espenida, ay maipalaganap sa lahat ang Mercy and Compassion na tema ng 2015 Papal Visit sa pagiging mapagmalasakit sa mga nangangailangan.

Ang We Are All God’s Children ay ang pamagat rin ng special Papal Visit album ng Star Music kung saan bahagi ang official theme song. Bukod sa We Are All God’s Children, inawit rin ni Rivera sa album ang mga kantang Our Dearest Pope, The Mission, at Papa Francisco, Mabuhay Po Kayo. Nagbahagi rin ng kanilang talento para sa 2015 Papal visit album ang ilan sa pinakamahuhusay na mang-aawit sa bansa kabilang sina Jed Madela at Angeline Quinto (On Eagles Wings), Liezel Garcia (Anima Christi), Janella Sal­vador (Give Thanks), Fatima Soriano (Lift Up Your Hands), Aiza Seguerra (Lead Me Lord), Erik Santos (Lord, I Offer My Life to You), Juris at Robert Seña (One More Gift), at Morissette Amon (Take and Receive). Ang We Are All God’s Children album ay mabibili na sa leading record bars nationwide sa halagang P250 lamang. Maaari na ring madownload ang digital tracks sa pamamagitan ng online music stores katulad ng iTunes, Mymusicstore.com.ph, at Starmusic.ph.

AIZA SEGUERRA

ANG WE ARE ALL GOD

ANGELINE QUINTO

ANIMA CHRISTI

CATHOLIC BISHOPS

CONFERENCE OF THE PHILIPPINES

ERIK SANTOS

PAPAL VISIT

WE ARE ALL GOD

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with